sixty-four

421 32 12
                                    

"Yutangina hygiene Kit asan ka na?"

Stressed na stressed na ako, natataranta na ako na ewan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon.

"Kithier and Kattleya, kayo na susunod!" oh daddy.

Binuksan ko uli yung cellphone ko at nagmessage ulit kay hyung senpai.

6:37 pm

kattleya: OY TAYO NA DAW YUNG SUSUNOD!1!1!1!1!

kattleya: WAAAAAHHHHHH

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag ko at tumayo. Pinuntahan ko yung in charge dito na si ate Veronica, "Oh Kat, asan na yung partner mo? kayo na yung susunod!"

"Ate Veronica, wala pa siya e, kahit anong gawin kong message, text, tawag, video call o ano pa, wala pa rin! Hindi siya sumasagot." natatarantang sagot ko sa kanya.

"Hindi na lang po kami magpeperform!" nagdadalawang isip kong sinabi sa kanya.

"Kat, hindi pwede! Park Jimmy is here to save the night!" biglang sulpot nitong si Jim kaya nabigla kaming dalawa ni ate Veronica.

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Ito kasi Kat, ako yung papalit kay Kithier, maganda naman boses ko kaya ayos lang tsaka magaling din naman ako mag guitar and lastly, kabisado ko yung kanta kaya mas ayos!" sambit nito.

"Kat, wala ka nang ibang choice, kailangan mo pa ring magperform. Sige maghanda na kayong dalawa, 2 minutes na lang matatapos na 'tong nagpeperform." ani ate Veronica, aayaw sana ako e kasi medyo hindi ako comfortable kay Park Jimmy na 'to, pero sige na lang. Fighting Kattleya Kim!

Pumunta na kami sa waiting room at kinuha ang guitar namin.

"Sigurado ka bang kabisado mo yung kanta?" tanong ko kay Jim dahil 50% sakin ay hindi ako naniniwala sa lalaking 'to.

"Oo nga kasi Kat, maniwala ka sakin! Tara na, tayo na yung susunod!"

Patay ka talaga sakin Kithier Im.

kit kat • jaegiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt