Last Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hayyst sorry na pala. Hindi na ko ulit magsusuot ng ganito sa labas. " sabi ko sakanya. Iniangat niya na ang ulo niya at bumuntong hininga. "Alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo laban sa kanila pero babae ka pa din at kailangan irespeto ka. Freedom mong magsuot ng kung anumang damit na gustuhin mo pero sa susunod sana hindi yung gamito sa public. Madaming loko loko. Sorry kung ganito ako kaprotective sayo." Sabi niya at imbes na sumabat ako at magpaliwanag ay ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Naiintindihan kita. Salamat talaga." Natatawang bulong ko atsaka kumalas sa yakap niya pero hinila niya ako ulit at niyakap ng mas matagal. "Ihh mahal kasi kita talaga eh. I'm gonna mark my property." Sabi niya at natawa naman ako.

Mark your property pang nalalaman ang loko!

"Teka..." Sabi ko bigla at kumalas sa yakap. "Ano yun?" Tanong niya ng kunot noo. "Gutom na ko." pabulong na sabi ko at tumawa naman siya. "Patay gutom ka talaga." Ginulo niya pa rin ang buhok ko.

Tinulungan niya na akong ilagay ang mga pinamili atsaka na siya pumunta sa driver's seat at ako naman sa shotgun seat. At nagdrive na siya pauwi.

***
Kinagabihan...

Mag aalas diyes na ng gabi pero gising pa din ako. Di pa ako dinadalaw ng antok ehh. Naisipan ko na lang bigla pumunta sa terrace. Bumangon ako at pinatungan ng malaking sweater yung shirt na pantulog ko. Naka pajama lang din ako.

Dahil malapit lang sa room ko, nakapunta ako doon agad. Nga pala magkaiba kami ng kwarto ni Travis. Kada pumupunta lang si baby na alaga namin. 😂

Sumalubong agad ang malamig na hangin sa akin. Napunta tuloy yung ibang hibla ng buhok ko sa mukha ko. Tumingala lang ako sa langit at nakita na ang dami-daming stars. Ang ganda tignan. Kumikislap kislap sila.

"Psst." Napunta ang tingin ko sa pinanggalingan nun at nakita si Travis na nakasandal pa sa sliding door ng terrace habang nakakrus ang mga braso. Medyo magulo din ang buhok niya. Shet ang gwapo.

"Alam ko nang gwapo ako wag mo na ipahalata na gwapung gwapo ka." Kumindat pa siya at bahagyang tumawa. "Wow! Hoy mister ang kapal mo din eh! Woo hangin!" Sabi ko at umakto pang tinatangay atsaka siya tumawa lalo at umiling.

Lumapit siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute talaga ng baby!" Parang nanggigigil siya sa pisngi ko. Tinanggal niya naman agad yung kamay niya at umakbay sa akin."Ihh! Che huhu tortured yung pisngi ko! Pag ako nagkapimple lagot ka sakin!" Sigaw ko atsaka ginulo niya lang ang buhok ko. Kainis kang lalaki ka kinikilig ako anuba! Kahit nakashorts at shirt ka lang ang gwapo mo grabe!😍

"Teka nga san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Ehh basta. You'll find out." Sabi niya at hindi na ako kumibo pa.

Bumaba na kami at bigla siyang umakbay sa akin habang papunta sa kotse. "Ang bigat ng braso mo!" Pagmamaktol ko at tumawa lang siya. Loko talaga. Papasok na sana ako ng kotse nang maalala ko ang suot naming mga damit. Pantulog?! Napatigil ako. "Hoy nakapantulog kaya tayo!" Sabi ko. "Oh bakit? Desente naman tignan ahh. Aishh wag mo na nga pansinin. Get in." Bahagya niya pa akong tinulak.

***
"Wow ang ganda naman dito!" Sabi ko ng makaakyat kami sa pinakatuktok. Kita mula dito ang city lights at lalong lalo na ang napakafaming stars. "And welcome to the Chase tower. " sabi niya pa. So kanila pala to. Rich din talaga.

"I'm scared of heights to be honest pero ang ganda dito." Nakangiti kong sabi habang nakahawak sa railings at nakadungaw sa ibaba. Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod. Shucks kinikilig ako anuba. Hahaha.

"Nagustuhan mo?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Kumalas siya sa pagkakayakap atsaka pinaharap ako sa kanya. Biglang lumiwanag ang paligid at bumungad ang kumikislap na mga ilaw. Nabigla ako. "A-ano to?" Nauutal na tanong ko sa kanya pero imbes na sumagot ay hinawakan niya muna ang kamay ko at hinalikan ito saka lumuhod.

Oh my ghaaad!!!!!!! Shucks! Magppropose siya! Ang obvious kaya hahaha.

"Alam mo namang hindi ako romantic na tao. Medyo badboy at pilosopo pero eto, nagmamahal ngayon ng seryoso." Natawa siya sa sarili. "Gusto ko lang sabihin na mula nung magkakilala tayo, hindi ko inakala na ikaw ang little wifey ko nung mga bata pa tayo." Oo siya pala yung little hubby sa panaginip ko.

"At tulad nung mga bata tayo, tutuparin ko yung sinabi ko. Na magpapakasal tayo. Sorry hindi kasing engrande at sweet tulad ng sa iba. Ang gusto ko kasi simple lang. Kaya eto ako ngayon, nakaluhod sa harap mo at itatanong ko na to. Payag ka bang makasama ko habang nabubuhay tayo? Will you marry me?" Tanong niya at napatulala ako.

Matagal na akong handang sagutin yung tanong pero hindi ko alam na ganitong klaseng kaba at saya ang mararamdaman ko. Nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago bumuntong hininga.

"Alam mo na ang sagot ko. Makikipagpatayan ako para sa pagmamahal ko sayo. Yes, I will marry you Mr. Chase, my little hubby." Sabi ko at nag unahan na ang mga luhang pinigilan ko.

Napatalon siya sa tuwa matapos ilagay ang singsing sa daliri ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit at natawa na lang ako. "I love you. Thank you for saying yes." Sabi niya habang nakayakap pa din.

Ngumiti ako. "I love you too." Sabi ko sa kanya at kumalas sa pagkakayakap. Tinitigan ko siya sa mata at saka hinalikan sa magkabilang pisngi. "Akala ko pa naman ikikiss mo na ko sa lips." Medyo napasimangot pa siya.

"Ehh saka na lang! Para special ang first kiss ko." Kinindatan ko siya at sabay kaming tumawa.

Sabay na ulit kaming tumingin sa langit at sa mga bituing saksi sa masayang pangyayari sa buhay namin.

Ngayon naiintindihan ko na yung sinabi niyang, I will mark my property.

Dahil ngayon fiancé  ko na siya. And I will soon become, Mrs. Linnea Davaux–Chase.

End

Thank you for reading her wonderful journey!















The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon