Chapter 25

8.3K 162 0
                                    

"Ahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko ng maramdaman ang pagtusok ng matalim na bagay sa aking balikat. Napabalikwas ako ng tayo at naramdaman ang hangin mula sa bukas kong bintana.


Hindi pa nakakalabas ang tumusok sa akin. Nakasuot siya ng itim na maskara at itim na damit. Nararamdaman ko ang pagtulo ng likido sa aking damit at hindi ko muna ininda.


Sinipa ko ang sumaksak sa akin. Naiwasan niya. Pinaulanan ko siya ng mga suntok at sipa kahit pa nararamdaman ko ang panghihina. Nanghihina na ako at nahihilo pero pilit akong lumalaban. Nasuntok niya ako sa mukha at nalasahan ko ang dugo ko.


Nilakasan ko ang bawat suntok at sipa ko. Bumagsak siya at tila napuruhan. Sinuntok ko ng malakas ang kanya mukha at nawalan na siya ng malay.


Itinali ko siya sa kama ko. Nanghihina na talaga ako kaya bigla na lang akong napaupo sa baba. Ramdam na ramdam ko na ang sakit sa balikat at mukha ko dahil sa suntok niya.


Bumukas bigla ang pinto at pumasok ang mga dad, sina Travis at mga tauhan niya.

"Shit."

Galit na sabi ni dad. Tumayo ako pero tuluyan na akong nanghina. And all went black.



Travis' POV

Pagdating namin sa pinanggalingan ng ingay ay nadatnan namin ang isang nakaitim at nakamaskara kasama si Chloe na basa na ng dugo ang damit.


Nilapitan siya ng daddy niya. Nasalo siya nito ng bigla siyang mahimatay. Lumabas na sila at naiwan kami at ng mga tauhan niya. Naiinis ako! Nilapitan ko ang taong nakatali sa kama ni Chloe at tinanggal ang maskara nito.

Nabigla ako sa nakita ko.

"Eris?" Sabi ko.

"Sht. Sabi na dati pa lang may masama na 'tong balak kay Chloe eh!" Sigaw ni Matt at biglang nagkamalay si Eris.

Nabigla siya ng makita kami ngunit ngumiti pa din. "Maiwan niyo muna po kami." Sabi ni Zack sa mga tauhan at nagbow muna bago lumabas.

"Long time no see Travis." Sabi niya habang nakangisi. "Walangya ka! Pinapainit mo talagang ulo ko!" Sigaw ni Jeff. Pinipigilan siya nina Matt at Zack.

"Kanino ka nagttrabaho?" Galit na tanong ko. "Uhm, at bakit ko sasabihin?" Pang asar na sabi niya.

"Uulitin ko. Sino ang boss mo?" Sabi ko. Sinusubukan ako nito ah.

"Sige sasabihin ko na ba?" Tanong niya at ngumisi. "Sabihin na lang natin na inutusan ako para takutin kayo. Sindakin kayo. Surprise visit kung baga." Sabi niya.

"Surprise surprise!" Sarkastikong sabi ko. "Rott in hell btch." Sabi ni Zack at ipinutok ang baril niya. Nashock kami sa ginawa niya. Siguro nga kailangan namin masanay.

"2 am na pala. O ano matutulog pa ba tayo?" Tanong ko. Umiling sila. Tumayo na ako at lumabas kami ng kwartong yun. Nagtanong kami sa ilang tauhan kung nasaan si Chloe at sinabi nitong nasa may clinic siya at ginagamot ng private doctor na gangster.

Nakarating kami agad sa clinic at kumatok muna bago pumasok. Pinagbuksan kami ng isang bantay. Pagpasok namin ay nakita namin ang dad ni Chloe na nakaupo sa upuan sa tabi ng kama niya.

"Sir, patay na po yung sumaksak kay Chloe." Sabi ko. Tumango ang dad niya. "Utos na naman yun mula sa ating kaaway. Ang pumatay sa mga magulang niyo." Paliwanag niya at ikinuyom ang mga kamay nito.


"They know that my princess is my weakness. " sabi niya.

Matapos ang ilang araw ay nagsimula na ang training namin.


Nandito kami ngayon sa isang open field. Ngayon ang simula ng training namin. Okay na din si Chloe pero hindi muna siya kasali sa magttrain dahil sa sugat niya sa balikat.


Kaming apat muna ang magttrain ngayon. Ittrain kami ng isa sa pinakamagaling na gang- ku- fia and assasin. (Gangster- yakuza- mafia)

Una muna naming pinag- aralan ang typesng baril at kung anong bala ang ilalagay. Next na pinagawa ay paano ang paghawak nito. Nakuha naman namin yun.

Nung hapon na ay tinuruan naman kami asintahin ang mga target. Unang subok ko sablay,pangalawa ay sablay pa rin. At ang panghuli bull's eye!

Si Chloe taga- cheer lang muna namin sa gilid. Ang cute nga eh nag eeffort pa siya. Mahirap pala magtraining. First day palang 'to eh.

"Time out muna po." Sabi ni Matt. "Pagod na po kami. Mamaya po ulit." Sabi naman ni Jeff. Tumango at ngumiti ang nagttrain sa amin. "Tawagin niyo na lang ako sa loob pag handa na kayo ulit." Sabi nito at nagbow bago umalis.


Naglakad kami papunta kung nasaan si Chloe. Naku pawis na pawis siya. "Ang galing niyo naman! Nakakainggit lang kasi hindi pa ako pwede ngayon eh." Sabi niya at parang nalungkot.


"Okay lang yun." Sabi ni Zack at ginulo ang buhok ni Chloe. Tinignan namin ng masama. Kaasar! Si Chloe ata ang crush neto eh!


"Ang cute ng princess namin ah." Sabi ni Matt at pinisil ang left side ng pisngi ni Chloe. Right side ang nasuntok ehh. "Sino pinakamagaling samin? Pili ka." Sabi ni Jeff.


"Uhm, lahat naman kayo eh." Sabi niya at ngumiti.

"Ehh, isa lang nga." Sabi naman ni Matt at nagpout.

"Kadiri ka Matt. Pwe!"

Sinamaan ako ng tingin. Ayy ganun ang gusto niya ah. Staring contest pala. Pagbibigyan ko. Mas masamang tingin ang ipinukol ko. My cold and emotionless stare.

"Suko na! Suko na!" Sigaw niya. "Kung nakakamatay ang tingin kanina pa patay si Matt. Hahahaha." Sabi ni Jeff at tumawa.


"Siya nauna eh." Depensa ko. "Ang cute niyo talaga pareho!" Sabi ni Chloe at pinisil ang pisngi namin ni Matt. "Nagbblush si Travis oh!" Sabi ni Jeff at tinuro ako.


"Hindi noh! Asa ka! Sa ano..uhm..init lang 'to oo tama!" Pasigaw na sabi ko.

"Ang defensive ohh!" Sabay- sabay na sabi nila saakin.

"Tumakbo na kayo at mapapatay ko kayo mga loko kayo!!" Sabi ko at tumayo na.

Tumakbo na nga sila ng mabilis paikot- ikot sa field. Ang lampa ni Matt nasubsob nung nadapa. "Lampa neto! Aabutan na kita!" Banta ko. "Hahahahahaha" tumatawa lang si Chloe habang nanonokd sa amin.


"Go Matt! Takbo pa dali!" Cheer niya. "Uy pano naman kami!?" Reklamo naman nina Jeff at Zack.

"Go Jeff! Go Zack! Go Matt! Para sakin!"


Kinilig ang tatlo at binilisan lalo.


"May nagseselos dyan isa! Hindi kasi nacheer! Hindi kasi nacheer!" Sigaw nila at binelatan ako. "Hindi ah! Abutan ko lang kayo at lagot kayo sakin!" Sigaw ko.


Kayamot! Ang daya naman! Silang tatlo lang ang nicheer niya! "Go Travis!! Chase them! Hahahhaha joke!" Sigaw niya. Nagcheer nga nitripan naman amg last name ko!


Pinagtatawanan na naman tuloy ako. "Ang sama talaga sakin!" Sigaw ko at binilisan ang takbo. Naku ayan malapit ko na sila abutan! Ayam na ayan! "Huli kayo!" Sabi ko at hinawakan sila sa shirt.


"Hala! Hala!"

Pinagsasapok ko sila. Nasa may damuhan na ngayon at gumugulong na. "Hahahaha. Kawawa naman kayo! Nanalo pa din si Travis! Sabi sainyo eh! Magaling yan sa habulan! May sa kabayo!" Asar ni Chloe sakin.

"Nea naman eh inaasar mo pa ko!"

Pero seryoso. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi 'to pwede! Ang bad boy na si Travis? Maiinlove? No way!

"Joke lang nga eh! Di mabiro! Love nga kita ehh!" Sabi niya at tumawa pa. Parang may mga paru- paro sa tyan ko. Ano ba 'to? Anong nangyayari sakin? "Mahal mo sya?!" Sabay- sabay na sabi nila. "Mahal ko kayong lahat!" Pagtatama niya.


Naiinlove na ba ako sa kanya?

The Mysterious Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon