Chapter 17

1.1K 40 15
                                    


DEX

Wahhh ! Ba't ganun? Lahat sila umalis tapos hindi man lang nila ako isinama?
Pero okay lang. Sanay naman na akong maiwan e. T_____T

Ay di pala ako mag-isa. Kasama ko si Cassy noona ang kaso tulog pa siya e. 7:30 pa lang naman kasi ng umaga kaya heto ako ngayon tunganga pa rin.
Ano ba kasing pwedeng gawin sa mansyon na'to?
Hmft... Sa kwarto na nga lang ako ni Cassy noona. Bantayan ko na lang siya habang natutulog.

Pagpasok ko sa kwarto ay umupo ako sa kamang kinahihigaan niya. Tinitigan ko si Cassy noona. Wala lang... Hehe angcute pala ni Cassy noona noh?
Wala siyang pimples, walang white or black heads. Maikli ang mga pilik mata pero sakto lang sa singkit niyang mata. Di siya pango, di rin ganun katangos. Yun bang sakto lang. Natigil ako sa pageeksamin ng mukha ni Cassy noona ng may mapansin ako sa may bandang labi niya.

Teka... Ano 'to?

Unti unti kong inilapit ang kamay ko para tanggalin yun. Maingat upang di magising si Cassy noona. Dumi ata 'to eh.
Nang akmang hahawakan ko na ng tuluyan ang dumi sa may bandang labi niya ay siyang gulat ko ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko para pigilan sa ginagawa ko saka siya dumilat ng nakakunot.

" ah---ahray, anghigpit ng hawak mo noona. White flag ! White flag." Sabi ko kaya binitawan niya ang kamay ko at bumangon

" ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong niya kaya inginuso ko ang labi niya. Napakunoo ulit siya kaya agad akong umiling dahil iba ang iniisip niya.

" may dumi ka sa may labi tatanggalin ko lang sana." Sabi ko at inginuso ulit yun. Napahawak naman siya dun at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Tinakpan niya yun at agad tumakbo sa may banyo.
Napangisi ako.

Sus, nahiya pa oh.

" Cassy noona, sunod ka na lang sa baba pagkatapos mo diyan. Kain na tayo !" Sigaw ko at lumabas na rin ng kwarto niya.

*smirk

>>>>>>>>>>>>>>

GLENN

Rinig na rinig namin ang nakakabinging tunog ng pagkaskas ng gulong sa alpaltong kalsada. Halos masubsob din kami dahil sa biglaang pagpreno namin.

" tsk ! Hindi talaga napapagod ang mga 'to. Wala bang day off?" Sensei

Magkasama kami nila Rei, sensei, Misaki at Lexter dito sa sasakyan at kasunod namin sila Ivan, George at ang triplets. Kaya siguradong napatigil din sila dahil sa biglaang pagpreno namin.
Lumabas ang mga armadong kalalakihan sa mga kotseng bigla na lang sumulpot sa harapan namin. Mukhang pinaghandaan nila ang pag-ambush sa amin dahil talagang walang ibang sasakyang dumadaan at siniguradong wala kaming lusot sa kanila. Paano ba naman, nakalinya sila pati na rin ang mga sasakyan nila. Tatlong kotse ang nakaharang at nasa 20 katao sila. Lahat armado.

" Yuko !" Sigaw ni Rei ng paputukan nila kami. Lahat kami yumuko upang mailagan ang balang dumadapo rito. Bigla ding umalog an sasakyan namin marahil ay natamaan ang gulong.

Nakita kong ibinaba ni sensei ang windshield sa kinauupuan niya at nagpaputok din . Ganun din ang ginawa namin hanggang sa maubusan kami ng bala pero hindi pa rin natitigil sa pagpapaputok ang mga nang-ambush.

" Tsk ! Pag ako talaga nabwesit mag-iimbento ako ng baril na may unlimited bullets !" Asar na sabi ni Sensei kaya hindi namin maiwasang mapangisi sa sinabi niya. Napatigil sa pagrereklamo si Sensei ng biglang may dumating na helicopter at pinaputukan ang mga armadong lalaki. Napatingin kami duon.

" ohhhhh~" manghang nakatingin si Sensei sa helicopter na yun pero maya maya pa ay napangiwi siya. Kita ko rin ang paglunok niya

" uh-oh... Maghanda kayo guys. Siguradong sermon 'to." Sensei

Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya't muli akong tumingin sa helicopter.
Ahhh kaya pala. Kita kasi sa helicopter ang simbolo ng organisasyong White Fangs.

>>>>>>>>>>>>>>>

Tahimik lang kaming nakaupo sa opisina ni Nico. Oo, sila Nico nga ang nakasakay sa helicopter na tumulong sa amin.
Mukha kaming mga maamong tupa at si Nico ang wolf na nakatayo sa harapan namin.

" he-he...hi?" Panimula ni Sensei. Pero walang emosyong nakatingin lang sa kanya si Nico. Nagkatinginan kaming lahat habang napakamot naman si sensei sa siko niya.

" Galit ka ba? Sorry na----"

Napatigil si sensei sa pagsasalita ng bigla siyang hilahin ni Nico at niyakap. Kita sa higpit ng yakap ni Nico kay Sensei kung gaano niya namiss ang kakambal. Napaiwas ako ng tingin ng makitang may luhang pumatak si pisnge ni nico. Medyo awkward kasing tingnan dahil sa dalawang dahilan. Una, very unusual kasi. Hindi pa kasi namin nakikitang umiyak si Nico. Kahit pa nung panahong inakala naming patay na si Sensei. At pangalawa, dahil siguradong ganyan din ako nung unang makita kong buhay si Sensei.

" Bakit itinago niyo maging sa akin?" Nico

Napabuntong hininga si Sensei sa tanong na 'yun. Bakit nga ba?
Maiintindihan ko pa siguro kung sa amin lang itinago pero kung pati kay Nico? Bakit?

" Matalino ang kalaban Nico pero matalino din naman ako..."

-____- Nagbuhat na ng bangko

" Gusto ngang ipaalam sayo ni Tanda na buhay talaga ako pero pinigilan ko siya. Maari kasing gamitin ng kalaban ang pagkakataong wala na ako sa organisasyon. At maaari ring malaman nila na buhay talaga ako. At kapag nangyari yun, pwede na rin nating malaman kung sino ang namumuno sa black org na patagong kumakalaban sa atin. At sa tingin ko, hindi lang naman ang pagpapabagsak sa organisasyon ang gusto nila. They want me miserable and dead... For real. And I don't know why. Mas makakatulong kung hindi mo alam na buhay talaga ako dahil gagamitin NIYA yun upang mapalabas ako and at the same time ruin all what I have. Pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan niya ginawa. Na maging sila Glenn ay dawit. Dahil hindi ko alam na parte na rin pala sila ng organisasyon." Sensei

Napayuko naman kami dahil dun. Hindi ko alam ganito pala ang mangyayari.

" pero naisip ko... Kasali man o hindi sila Glenn ay siguradong damay na sila." Tumingin siya sa amin

" Simula pa lang ng makilala nila ako. I'm... I'm sorry." Napayuko siya dahil dun.
B-bakit siya nagsosorry? Seryoso akong tumingin sa kanya at nagsalita

" You don't need to say sorry Sensei. Ang makilala ka ay ang pinakamakabuluhang pangyayari sa buhay namin. At kung ang makilala ka ay may kalakip na panganib, handa kaming harapin yun. I was once weak, pero hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yun. You taught us to become stronger and use our strength to lift ourself up and keep going. Kaya walang dahilan para magsorry ka sa amin." Sensirong sagot ko sa kanya. Tumango rin sila Misaki bilang pagsang-ayon.
Ngumiti si Sensei sa amin at sa oras na 'to... Alam kong sabay kaming lalaban.


" ahem." Napatingin kaming lahat kay Nico ng umubo siya ng peke


" This is supposed to be our moment and ruined it. Psh!" Nico, at inirapan ako. Ang bakla !




Pfffft !

Legionnaires (BT-Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon