Chapter 15

776 34 6
                                    

GLENN

" Hindi ko alam na ganun na pala ang nararamdaman niya." Lexter kaya tumango kami. Maging ako nabigla ng malaman iyon. Mga babae nga naman eh.

" Normal na sa babae yun, ang makaramdam ng insecurities." Ivan

" pero kahit na, dapat magsorry tayo kay Cassy noona dahil... A bakit nga ba?" Dex napailing na lang ako. Bakit nga ba?

" Siguro nga ay kailangan nating humingi ng paumanhin dahil hindi natin naisip kung ano ang mararamdaman niya. Na minsan ay naikukumpara natin siya kay Sensei." Misaki

Siguro nga ay kailangan naming magsorry. Tama naman siya, magkaiba nga sila ni Sensei. Magkaibang-magkaiba.

>>>>>>>>>>

*tok tok*

Binuksan agad ni Dex ang pinto pagkatapos niyang kumatok.

" Cassy Noona?" Tawag niya pero wala kaming narinig na sagot. Tuluyan na kaming pumasok at nakita ang kama niya kung saan siya nakahiga at nakataklob ng kumot. Umupo sa kama si Dex at Ivan

" Noona, we're very sorry dahil naging insensitive kami. Hindi namin naisip kung ano ang mararamdaman mo dahil natuon ang pansin namin kay sensei. Sana maintindihan mo kami dahil matagal nawala si sensei sa amin. Mahalaga siya sa amin at ganun ka rin kaya we're very sorry..."
Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ni Dex dahil may napansin ako sa sahig na malapit sa banyo ng kwarto niya. Umupo ako't pinulot iyon.

T-teka... Ano 'to?

" Glenn, wala dito si Cassy." Misaki

Napatayo ako agad dahil sa sinabi nila. Nilingon ko ang kama niya na isang teddy bear pala ang nakahiga.

" mukhang tumakas siya." Lexter

Napagulo ako ng buhok ko dahil sa tigas ng ulo ng babaeng yun. Ano bang problema niya?
Agad kaming lumabas at kinuha ang mga baril namin. Umalis kami ng bahay at hinanap siya.
Nasaan ka na ba Cassy?
Muli kong tinignan ang bagay na nasa kamay ko. Ano 'to at bakit merong ganito sa kwarto niya?

Hindi kaya??

>>>>>>>>>>>>>>>>>>

NICA

" sensei gumagalaw ang tracker. Mukhang lumabas sila ng hideout nila." George

" Kung ganun ay nag-uumpisa na." Ngisi ko. Agad kong sinalo ang katanang inihagis sa akin Reign.

" Sasamahan ka namin." Sambit pa niya kaya tinanguan ko silang tatlo ni Nessette at Georgette.

" e paano kami?" George

*sigh*

" Oo na sige na. Sumama ka na ng matahimik ka na." Sagot ko

" Yes !"

>>>>>>>>>>>>>>

GLENN

Nasaan na ba ang babaeng yun? Kanina pa kami naghahanap sa kanya at maggagabi na rin.

" Sa tingin niyo ba mahilig magmoment si Cassy Noona sa park?" Tanong ni Dex at nakatingin sa park na dinadaanan namin.
Tumingin kami sa kanya

" What!? Di naman impossible yun di'ba?" Dex kaya nagsitanguan na lang kami.

Ilang oras na rin kaming palibot libot sa park na 'to at naghahanap sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa ring CASSY kaming mahanap.

" Baka umuwi na siya?" Ivan

Legionnaires (BT-Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon