CHAPTER SIX🔫

18 1 0
                                    

Ayun! Nagka time pa ulit mag update. Guys. Pa vote naman please. Hahahhahaha

=================================

Rexus pov°

Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito sa bahay ni Echo. Dahil ba sa guilt na nararamdaman ko dahil sa sinabi ko sa kanya kanina o dahil sa maikling panahon na nakilala ko sya ay nakakita ako ng taong alam kong nakakaintindi sa akin.

Kinuha ko kanina kay Steve ang exact address ni Echo. Bago ako pumunta dito ay inaral ko muna kung paano mag sosorry sa kanya. At ngayon na nasaharap ko sya, lahat ng naisip ko ay nawala.

"Bakit ka nandito?" Tanong nya na seryosong seryoso. Mukhang nasaktan ko talaga sya kanina dahil sa mga sinabi ko.

"A-anu ka-kasi, I want to say sorry sa mga sinabi ko sayo kanina" sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi sya nag salita at ramdam kong hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin.

"Pumunta lang ako dito para sabihin yun, kaya sige alis na ako" istart ko na sana ang sasakyan ko ng marinig ko ito magsalita.

"Ganyan ka pala mag sorry? Paano ko mararamdaman na sincere ka kung hindi mo ako titingnan sa mata"

Nag aatubili akong tumingin sa kanya dahil bukod sa nahihiya ako ay ayaw ko ring makita nya ang namumugto kong mga mata dahil sa kakaiyak kanina.

"Titingin ka o hindi?" Narinig ko ulit na sabi nya pero ngayon parang galit na sya. Kaya naman dahan dahan akong tumingin sa kanya. Nakita ko sa kanyang mata ang awa, awa na pinaka ayaw kong maramdaman ng ibang tao para sa akin. Hindi ko napigilan ang lumuha.

Nagulat ako ng biglang buksan ni Echo ang pintuan ng sasakyan ko at hilain ako palabas. Pero mas kinagulat ko ang yakapin nya ako bigla.

"Sige iiyak mo lang, pwede mo akong gawing panyo mo"

"Sorry"

"Ok na yun, wala naman yun sa akin."

Nang maging ok na ako ay inaya nya ako papasok ng bahay nya. Namangha ako sa ganda ng loob nito. Lahat ay mamahaling gamit. Ang kulay lang namakikita mo sa loob ay puti at itim.

"Ikaw lang ba ang nakatira dito?"

"Oo, kina daddy at mommy to, pero since sila ang pumalit sa akin dun sa amerika ay binigay nila ito sa akin. Binago kulang ang ibang istilo pero yung iba ay ayun parin naman" paliwanag nya.

"Echo salamat ha"

"Para saan?"

"Dahil naiintindihan mo ako kahit ilang araw palang tayong nagkakilala".

"Haayyss, maaring hindi nga kita kilala ng lubos pero ramdam ko kasi na kailanagn mo ng tulong at taong pagsasabihan ng mga hinanakit mo sa buhay." Seryosong nitong sabi.

"Paano kung mamamatay tao pala ako at patayin kita ngayon? Paano kung magnanakaw pala ako at nakawan kita ngayon? Paano kung-" magsasalita pa sana ako ng putulin nya ang sinasabi ko.

'Tssss, kung mamamatay tao ka edi sana nung magkasama palang tayo na pumunta kina Ian e pinatay mo na ako, kung magnanakaw ka edi sana ninakawan mo na yung sarili mong magulang, atsaka mas mukha kang rapist" pang aasar nito sa akin.

"Aba! Bastos tong batang to ah!" Inihagis ko sa kanya yung throw pillow na puti na naka lagay sa sofa.

Natatawa nitong pinulut ang unan.

"Nakikitambay ka na nga lang dito dinudumihan mo pa yung gamit ko!"

"Hahhahaa sorry po!"

"Kumain ka na ba?" Tanong nya sa akin.

KNIGHTS  : My gorgeous man (boyxboy) S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon