“Then quit with the Q and A.” hindi pa ako nakakasagot ay ibinaba na ni Arron ang tawag. My eyes twitched in frustration. Ngumiti ako ng napakalawak with mouth closed, trying to calm myself pero in the end–napahiga ulit ako at napatili at nagpapadyak sa sobrang inis.

Syempre sinunod ko na lang ang gusto nung isa. Tumayo ako para maligo at gumayak para sa isang araw na puno ng excitement. Maaga pa lang ay gising na si Mommy dahil ipinagluluto niya ng breakfast si Robbie. Nasa third year highschool pa lang kasi ito kaya regular class na from seven to four ang pasok niya.

“Oh? Maaga ka yata today?” napahinto ako sa pagbaba ng hagdanan habang nag-iisip ng magandang isasagot kay Mommy.

“Ah. May school work po kasing kailangan tapusin today kasi first subject po namin yun.” nagpatuloy ako sa pagbaba at dumeretso sa dining room para umupo at kumain. Arron’s phone vibrated on my pocket kaya mabilis ko naman kinuha iyon.

“No phones on the dining table, Allie.” narinig kong sabi ni Mommy pero binigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti bago binuksan ang message ni Arron.

See you in a few. napanganga naman ako.

Pero may thirty-seven minutes pa ako!

“Keep your phone, Allie.” paalala ulit ni Mommy at nakanguso kong ibinalik ang phone sa loob ng bag ko.

“Nasaan po si Robbie, Mommy?” I asked while placing some fried rice on my plate.

“Kanina pa nakaalis.”

“Eh si Daddy po?”

“Nine pa gigising yung Daddy mo, alam mo naman yun.” tumango-tango na lang ako. May narinig akong katok mula sa pintuan pero ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil pumunta na doon si Mommy.

“Ah ganun ba? Sige, get in iho.” my whole body stiffened when I heard my mom said the word iho. Si Dominic?

Shit. Nagmamadali akong pumasok sa ilalim ng lamesa, nagdadasal na hindi nila ako makita. Please, please.

“Allie, nandito na si–” my mom paused. Siguro napansin niya na wala ako. Tinakpan ko ng kamay ang bibig ko. I bit my lip and held on my breath.

“Nasaan yun? Ah. Baka umakyat. I’ll check lang upstairs, iho ha? Why don’t you sit? Kumain ka na rin.” narinig ko ang yabag ng mga paa ni Mommy. Natanaw ko pa nga ang legs niya na palabas ng dining room. Inilipat ko ang tingin ko sa sapatos ni Dominic.

Aalis kaya ang isang ‘to?

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon