"Eh bakit ganyan ka?"

"Anong ganyan?"

"Masungit."

Wow, ako pa masungit? Ako pa?! Siya nga 'tong saksakan ng sungit daig pa 'ko kahit meron ako! Napaka bipolar pa tapos once in a blue moon lang maging sweet.

"Hindi ako masungit!" sabi ko sakanya

"Ba't ka sumisigaw?"

"Hindi nga!"

Hindi naman talaga ako sumigaw, medyo napataas lang yung boses ko pero hindi ako sumigaw! Nakakainis talaga siya, ewan ko kung bakit ako naiinis pero nakakainis talaga!

"I'll kiss you if you won't tell me why you're being like that."

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Totoo ba, hahalikan niya 'ko? Talagang talaga ba?

"Hindi ko sasabihin. Oh dali, kiss mo na 'ko."

Kinunutan niya 'ko ng noo at umiling. "Nevermind." Sabi niya tapos nilagpasan ako. Tignan mo nga 'yan hanggang salita lang! Akala ko ba hahalikan niya 'ko pag hindi ko sinabi kung bakit ako nagkakaganito?! Paasa siya, paasa, paasa, paasa!


Nang makarating kami sa apartment niya ay inilapag ko 'yung mga pinamili namin sa lamesa. Hindi ko talaga siya kakausapin, magpapabebe naman ako kahit ngayon lang.

Inilabas ko isa isa sa paper bag yung mga pinamili namin at inilagay sa ref yung ilan, at sa cupboard yung iba.

Tumabi siya sa akin at tinulungan akong mag ayos ng mga pinamili. Ang awkward pa nga dahil ni-isa sa amin ay walang nagsasalita. Hindi ako sanay na ganito kami at hindi ako sanay na hindi siya kinukulit. Pero ako ang nauna at ako ang nagsungit kaya pangalandakan ko na.

Kinuha ko sa paper bag yung peanut butter at ganun din siya kaya naghawak ang mga kamay namin. Bigla akong napatingin sakanya at nakita kong nakatingin na pala siya sa akin.

Yung ganitong scenario madalas ko napapanood sa mga palabas, akala ko korni at hindi makatotohanan pero bakit nakikiliti yung tiyan ko?! Bakit nawawala yung inis ko at bakit natutunaw ako sa mga tingin niya?! Pakiramdam ko may background music na tumutugtog habang magkatama yung mata namin. Gusto ko ngumiti pero pinigilan ko dahil naalala kong naiinis pala ako sakanya.

Umiwas ako ng tingin at kinuha yung peanut butter para mailagay sa cupboard.

"Tss hindi daw galit pero hindi ako pinapansin" narinig kong bulong niya. Hindi ko pa rin siya nilingon at nanatiling nag aayos ng mga pinamili.

I-push mo pa Quin! Para naman ma-realize niya na hindi lang siya ang pwedeng mag-pabebe.

Hinawakan niya yung kanang kamay ko kaya napatigil ako sa pag aayos.


"Bakit ka ba kasi ganyan?" tanong niya

"Wal—"

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay hinila niya ko at pinaharap sakanya. Ang seryoso ng mga tingin niya, galit na ba siya? Inis? Pikon?

"Tell me, did I do something wrong?" tanong niya ulit, pero hindi na katulad kanina na naiinis. Mas malumanay na ngayon. Heto na, matutunaw nanaman ako!

"N-Nakakainis ka kasi eh! Palagi mong binabasag yung trip ko, tapos pag may oras na nagpapahiwatig akong lambingin mo 'ko, nagsusungit ka o kaya naman ang seryoso mo lagi. Minsan naisip ko kung sino ba talaga sa atin ang girlfriend, ako ba o ik—"

Nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya 'ko. Hindi ko in-e-expect 'yun! My gahd! Oxygen please, baka mahimatay ako!

Matapos niya 'kong halikan ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ayan, okay na ba yan?"

"A-Ang h-hilig mong m-magnakaw ng halik! Inform mo naman a-ako!"

Ngumiti siya at natawa ng konti sa sinabi ko. Wala na, tuluyan ng nawala yung inis ko. Why you do this Keen Vryx Fierro?!

"Okay, then, I'll kiss you again."

Hinalikan niya ulit ako pero sandali lang. Matapos nun ay natulala na lang ako, hindi ko pa rin in-e-expect yun kahit na nagsabi siyang hahalikan niya ulit ako.

Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko! Nanghihina din yung tuhod ko, buti na lang hawak niya 'ko sa braso.

Tinignan niya 'ko diretso sa mata at nagsimulang magsalita

"I'm sorry if I'm not that showy. I know I'm not that so-called 'perfect ideal man' that every girls dream. I'm also not good in words. Walang wala ako kumpara sa iba, but please, don't go anywhere. Don't leave me because I'm fucking serious and I don't want to lose you."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nang marinig ko 'yun mula sakanya. Ayun na ata ang pinaka-heart touching, pinaka mahaba at pinaka nakakakilig na sinabi niya sa akin. At sinong may sabing hindi siya magaling sa salita?! Anong tawag niya diyan? Halos maiyak na nga 'ko sa sobrang touched at kilig!

"Hindi naman kita iiwanan eh. Nanliligaw pa nga lang ako sa'yo noon, kahit ipagtabuyan mo 'ko hindi ako umaalis. Ngayon pa kaya na tayo na? Edi mas lalo lang akong nagkaron ng dahilan para hindi ka iwanan."

Napangiti siya sa sinabi ko at pinitik ako sa noo.

"Don't ever give up on me, Quin."

"I won't."

Matapos ng very heart-touching, heart-warming scene namin ay umuwi na 'ko. Hindi niya 'ko maihatid gawa ng may injury pa siya sa braso at hindi siya pwedeng mag drive ng motor. Nag uber na lang ako at ang nakakakilig pa ay binantaan niya si kuya driver na ingatan ako! Pinicturan pa niya ito pati yung plate number ng kotse.

Kahit na masungit siya at daig pa 'ko mag mood swings, bawing bawi naman once na naging sweet na siya! Havey na havey at pak na pak sakilig.

Binuksan ko 'yung twitter ko at nag-tweet.

'@keenvryx_ siya ang pinakamasungit na lalakeng nakilala ko at pinaka-sweet din ❤️'

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay maraming nag retweet doon at nag heart. Pati ang buong banda ay nag comment. Pero isa lang ang napansin ko, yung comment ni Keen na may puso ang mata na emoji! 

ChiaroscuroWhere stories live. Discover now