"Mayroon." dahil dyan lumiwanag ang mukha ko.

"Pero ubos na iha e." at dahil dyan gusto ko ng sunugin ang tindahan na ito pero joke lang. Sumimangot ako sa sinabi niya, e gustong gusto ko ng mais con yelo tapos ang haba pa ng nilakad namin para lang sa mais con yelo tapos wala?! UGH.

"Oh baka sumabog ka na dyan. Wag kana mainis." he said. 

"Ewan." sabay walk out ko. Lakad lang ako ng lakad papuntang bilyaran! Magbibilyar nalang ako pero nakakainis talaga!!! Gusto ko nuuuuuuuuuuuuuun. Ugh kung pwede lang magwala, magwawala ako!!! AHHHHH.

Jam grabbed my hand again. Hawak hawak nanaman niya habang naglalakad kami papuntang bilyaran. 

"Wag mo ko hawakan!" inis na sabi ko sakanya.

"Ayoko baka biglang magwala ka nalang dito e." sabi niya. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa kamay ko kaya di ko na binalak pang tanggalin ang kamay ko. Yumuko nalang ako habang naglalakad. Naiinis talaga ako. Bakit ganon?

Pag di ko nakukuha ang gusto kong kainin, naiinis ako, guso kong magwala. Gusto kong sumuntok ng kahit sinong tao dito na dadaan!!!! 

*sob* *sniff* *sob*

Tumigil si Jam sa paglalakad at humarap sakin, inangat niya ang ulo ko sa pagkakayuko. Ewan naiinis talaga ako.

"Why are you crying Ennis?" he asked then my nilabas siyang panyo at pinunasan ang mga luha ko. Naiyak ako sa sobrang inis! Gustong gusto kong kumain nun. Ang babaw ata ng luha ko? 

"Gusto *sob* ko talaga nun *sob* mais con yelo e *sob.*" sabi ko sakanya na parang batang hindi binigyan ng candy ng kalaro niya. 

"Wag ka ng umiyak, papangit ka niyan. Sige bukas, gagawan nalang kita ng Mais con yelo. Ilan ba gusto mo? Apat? Sampu? O 20 pieces?" sabi niya sakin. Ang sweet ni Jam ngayon, sinapian nga siya talaga no? Sana ganito din si Raffy. Sana si Raffy ang gumagawa sa ginagawa ngayon ni Jam sakin. Sana :(

"Tara balik na tayo." nauna na ako maglakad sakanya pero alam kong nasa likuran ko lang siya. Nagbago ang mood ko dahil kay Raffy. Dahil hindi ko matanggap na iba ang gumagawa sa dapat ginagawa niya sakin. Di ba dapat siya ang mas maging sweet sakin kasi boyfriend ko siya?

Lover's Revenge (on hold)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora