“Maybe she’s trying to win a vote from you. Malapit na kayang mag-end ang semester kaya ibig sabihin nun, malapit na rin mag-end ang pagiging VP niya.” Tumango nalang ako sa sinabi ni Micaela.

Nakatingin na ako ngayon kay Karen. She was laughing with her friends, kung hindi ko siya kilala malamang mapagkamalan ko siyang Ms. Friendship ng University. I sighed again. I really hated this feeling. Aside from making me anxious, it giving me goosebumps, too!

I was brought back to reality when the chair next to mine moved. I looked at the girl beside me who was also smiling from ear to ear while looking at me. Hindi ko siya kilala but she’s a close friend of Karen.

“Hi, Kareeza.” She greeted which brought me to shock. Again.

Hindi ko matandaan kung kailan kami nag-usap until today kasi nga kaibigan siya ni Karen. Lahat kasi ng kaaway ni Karen, kaaway narin ng mga kaibigan niya.

“Err. Hi.” Ngumisi lang siya sa sagot ko at tuloyan ng umupo.

Napahimas ako sa magkabilang braso ko dahil sa paninindig ng mga balahibo ko. Shit. Is it just me o wala lang talaga yun? Napalingon ako kay Micaela na nakatingin rin pala sa’kin. Nakakunot ang mga noo nito habang palipat-lipat ang tingin sa’kin at dun sa katabi ko. Ngumuso pa siya bago tuloyang umupo ng maayos. Napabuntong hininga nalang ako.

Mabuti nalang at medyo nawala na ang paninindig ng balahibo ko dahil na rin siguro sa tutok na kami masyado sa lessons. Nagpasalamat pa nga ako dahil sa pinuno kami ni Prof ng projects instead of having a blindfold exam. Ayoko talaga sa exam na ‘yon. Masyadong nakakatanga at nakaka-high blood. Kung nagkataon na ito ang exam namin all the way to the finals, baka butterfly grade na ang makukuha ko.

“I need you to pass all these requirements prior to the said examination date mandated by the school. For late passers, see you again next semester.” Napamura nalang ako dahil sa sobrang strict nang rules niya.

Ano ba’ng problema sa mga college instructors lately? Akala ko ba ramdam nila kung ano ang feeling na maging estudyante? Pero bakit ganito? Hindi naman sa tinatamad akong gawin lahat ng mga ito pero sobra na kasi. Sana naman tuboan sila ng awa at maisip nila na hindi madali ang kursong IT.

Natatawa na nga lang ako sa ibang tao na nagsasabi na ang IT course daw ay para sa mga taong walang pangarap sa buhay. How could they say that? Walang goal pala ang mga taong naghahanap ng great innovations every single day? Walang goal pala si Marc Zuckerberg – ang founder ng Facebook – kung ganon? Damn, judgmental peeps! Kung alam lang nila kung gaano kahirap maging IT student. Considering also that IT professionals are one of the highest paid experts today tapos sasabihin nilang wala kaming goal? Jeez. Maiintindihan ko pa siguro kung ang taong nagsabi nun ay walang ka-muwang muwang sa technology.

Napailing nalang ako. Ang buhay talaga. Full of ironies.

“Seriously, besty? Gagawin nating lahat ‘to? Eh sa Joomla palang semplang na ako eh!” Natawa nalang ako sa pagmamaktol ni Micaela. Akala ko talaga walang kapaguran sa pag-aaral ang nerd na ‘to eh pero mali pala ako. Marunong din pala siyang tamarin.

“Wala ka ng magagawa diyan. Ang mabuti pa magplano nalang tayo kung kailan natin gagawin yan.” Ngumuso lang siya habang nagliligpit ng gamit.

“Oo nga naman, Micaela. Sana naman minsan makasabay ko kayo.” Kinilabotan ako sa pagsabat ng katabi ko. Nilingon namin siya ni Micaela. Nakangiti parin ito sa amin.

“Err. P-pwede rin.” Hilaw akong ngumiti sa kanya. Tumango lang siya at nagligpit ng gamit.

Sobrang pangingilabot na talaga ang nararamdaman ko. Damn. I looked at Micaela, who was busy rolling her eyes while muttering some senseless things.

“Shit, besty. I don’t even know her freaking name tapos kung makasabat parang close ang dating. Oy te, uso mahiya!” Bulong ulit ni Micaela sa gilid ko. Natawa nalang ako sa sinabi niya.

“Eyes on board, people!” Napangiwi ako sa boses ng prof namin. Kailangan ba talagang sumigaw? Nasa closed area kami tapos sisigaw siya ng ganon? Napailing nalang ako.

“Our VP has something to say. So please hear her out before I allow you guys to leave this laboratory.”

 

Napabuntong hininga nalang ako bago inayos ang pagkakaupo ko. Nakatingin na ang lahat kay Karen na nasa harap na ng klase. She was still smiling from ear to ear na para bang anytime ay pwede nang mapunit ang pisngi niya.

“Hello, everyone! I just want to formally invite you all para sa after party ng University Week. I guess most of you here are third year students, right? Meaning, isang year nalang ay ga-graduate na tayo. In God’s will, of course!” Tumawa pa siya sa sinabi niya. Napangiwi pa ako dahil sa pag-mention niya ng God.

“Kumikilala pala ng Diyos yan? Akala ko Atheist eh.” Natawa ako sa bulong ni Mica. Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to.

“So, sana makapunta tayong lahat! Let’s make the most of this event even just for one night!” Sigaw na sabay tawa. Napatawa nalang ako sa asta niya. Now I know why she became the VP of this school. Marunong kasi siyang magsalita, I mean, she literally knows how to interact with other people.

Siguro kung nagkakilala kami ni Karen in a good way, maybe she could be my friend.

Pumalakpak na ang lahat dahil sa anunsyo niya.

“Kareeza!” Nagulat ako dahil sa espesyal na pagtawag ni Karen sa’kin. “I’ll be expecting you to the party, alright?”

 

Napalunok ako sa ginawa niya. Ngumisi lang siya sa’kin bago nilisan ang center stage ng lab.

Bribing Mr. PresidentOù les histoires vivent. Découvrez maintenant