Chapter 1 : Article

20K 539 174
                                    

[1] Article

Nawala na ako sa mood ng matapos ang nangyari kanina kaya naman nag aya na kaagad ako kay Jhay na umuwi na.

Pumayag naman siya at sabay kaming tumayo. Habang naglalakad, napansin kong binaling niya ang atensyon niya sa phone niya na galing sa bulsa niya.

"Um, samahan nalang muna kita hanggang sa makasakay ka na ng taxi." Aniya. Binalingan ko siya ng tingin

"Bakit? Hindi mo ako mahahatid?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Nag message kasi si Daddy. Kailangan daw ako ngayon sa Company. Alam mo naman diba, ako na din ang magm-manage nun after natin mag college." Saad niya, habang nakatingin sa harap niya at naglalakad. "Wag kang mag alala, ngayon lang naman to. Hindi na to mauulit." Ngumiti siya at binalingan niya ako ng tingin.

Lumingon din ako sa kaniya kaya naman napahinto kami sa paglalakad. Ngumiti ako sa kaniya at tinitigan ang mapupungay niyang mga mata. "Ano ka ba naman! Ayos lang naman yun. Unahin mo muna yan, parang hindi naman tayo magkikita kapag inuna mo yan." Tumawa ako at tumawa din siya. Shocks, those smiles. Nakakamatay!

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Uminit bigla yung pisngi ko ng inakbayan niya ako habang naglalakad kami.

Lumutang naman bigla yung utak ko. Bigla akong nawala sa sarili. Grabe, ang lakas ng tama sakin ne 'tong lalaking to! Akbay palang yan ah?

"TABI!!!" Nabigla ako ng nakaharap na ako sa dibdin ni Jhay at nakapalupot ang kaliwang kamay niya sa akin sa magkabilang braso ko dahil nga naka akbay siya sa akin kanina. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Bigla ba namang nag slow motion ang paligid

"Kahit kailan talaga." Hindi ko naman kasi namalayang may parating na naka bike sa direksyon namin.

Nakabaling lang ang atensyon ni Jhay sa nakabike na lalaki. Kaya lumingon na din ako. Nakita kong natumba pala yung bike na sinasakyan niya. Kulay Maroon ang buhok niya at mukhang mas nakakabata siya sa amin.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at, "Ayos ka l--" hindi ko natapos ang tatanungin ko sa kaniya nang hinatak ako ni Jhay pabalik.

"Wag na. Ako na." Nilapitan niya ang lalaki at tinignan ang sugat nito.

Anong meron dito? Parang lalapitan ko lang naman yung lalaki.

"Mabuti nalang maliit lang yung natamo mong sugat." Aniya habang tinitignan ang mga gasgas na natamo ni Maroon. 

"O-okay lang naman po ako." Ngumiti siya. "Girlfriend niyo po ba siya?" Tinuro niya ako. Binalingan ako ng tingin ni Jhay. "Hindi po ba siya yung sikat ngayon sa internet?" Jusmiyo, hindi ko alam kung saan ako titingin. Sikat ba talaga ako? Hindi no.

"..Oo at oo siya nga.." ngumiti si Jhay.

"Wow, kakapanood ko lang po sa sine nung movie niyo ni idol Gabriel!" tumayo siya at lumapit sa akin na para bang wala siyang nararamdaman na sakit sa bandang hita niya. Nakipag kamay siya sa akin.

"Ako nga po pala si Gray, nice to meet you po!" nakangiting sabi niya.

"Nice to meet you din." 

"Ehem." umubo at parang may nililinis sa bandang lalamunan bigla si Jhay na ngayon ay nakatayo na. Mas nilakasan pa niya ito na para bang pinaparinig pa sa amin ang pag ubo niya.

"Ayos ka lang, Jhay?" tanong ko sa kaniya. Lumingon kaming dalawa ni Gray sa kaniya.

"Jhay po ang pangalan niyo? As in Jhay Daniel Santos?" Excited na tanong ni Gray na Maroon ang buhok. "Yung anak ng CEO sa sikat na Company dito?" Kilala niya din pati si Jhay?

NNAN Season 2: Payback Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon