Alternative Ending 1 (Mikko and Rury)

Start from the beginning
                                        

"Sean, paano naging kayo ni Mae?" Panimulang tanong ko.

Yung kape lang ang ininom nya, "bakit sakin mo tinatanong yan?"

"Eh diba, sayo nagtapat si Mae? Ano naramdaman mo nang nagtapat sya sayo?"

Bumuntong hininga sya at saka humilis amg tingin, "kailangan ko ba talagang sagutin yan? Bigyan mo nga ako ng dahilan."

"FOR THE WELLNESS OF MY WELL-BEING!"

Nangasim ang mukha nya, "tsk. Oo nagtapat sakin si Patricia Mae,"

"Ano pakiramdam?"

"Magulo."

Tumango ako.

"Naguluhan ako noong una, dahil ang akala ko sa sarili ko hindi ko naman sya gusto... Pero ewan ko ba. Hindi ko nalang namamalayan na unti unti kong naiisip at nararamdamang gusto ko sya. Ay, mali-- matagal ko na pala syang gusto.. hindi ko lang inaamin sa sarili ko dahil may takot akong baka hindi nya ako gusto. Yun." Inis na sabi nito at saka uminom uli ng kape.

"You mean... Matagal ka nang may gusto sa kanya? Ayaw mo lang aminin kasi mapride ka?"

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Peace,"

"Nagtapat sayo si Agent Red King, no?"

Nanlaki ang mga mata ko. "PANO MO NALAMAN?!"

"Yeah, nasa surveillance room ako noong akapin ka nya."

Naginit bigla ang mukha ko. "W-wag kang maingay!!"

"Pake ko sa inyo,"

"May iba pa bang nakakita?"

"Wala,"

Napahinga ako ng maluwag.

"Red Queen, ayusin mo buhay mo. Wag kang magpapanic dahil mas makakagulo lang yan. I-assess mo ang sarili mo kung gusto mo ba si Red King o hinde. Kinakabahan ka ba pag dumadating sya?"

"O-oo."

"Kaya mong tumitig sa mga mata nya ng hindi ka nagpapanic?"

"Hindi,"

"Hindi ba sya maalis sa isip mo?"

"O-oo,"

"Tsk. You clearly love him too.. Kaya ano pa bang tinatanga tanga mo dyan?" Inis nitong sabi.

"E.. Eh kasi akala nya nireject ko sya kahapon eh. Nasaktan ko yata sya. Hindi ko lang alam kung gusto pa nya ako or what."

"I can't believe I'm saying this to you.. Rury, but if a man likes someone it will last for a long damn time. Hindi kami yung kapag nilayasan... Aayaw na. Ilang beses na ako nilalayasan ni Patricia Mae pero nagtyatyaga ako kahit naiinis din ako."

Natulala ako sa sinabi nya.

"So you fix yourself, kid. Ayoko nang magpaliwanag pa dahil masyado na akong maramimg nasabi."

And then he left me wondering that night.


Yeah, I should fix myself.

------

[Mikko]

It's been almost a week since that happening at hindi pa din kami nagpapansinan ni Rury. Umiiwas din sya sa akin. The feeling burns but... it's alright. I understand my own mistake. Hindi ko dapat minadali. 

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now