I'm so dead.
Pumunta ako sa isang kwarto kung saan pede akong magpractice magisa. Hindi ko kayang harapin si Mikko ngayon.
Aaauugh.
-----
[Mae]
"Rury, Mikko, tawag kayo ni--" natigilan ako nang makita ko si Agent Red King na nagsisit ups magisa sa kwarto. Nasaan si Rury?
"Si Rury?" Tanong ko.
Tumayo ito at nagkibit balikat, "di ko alam."
"Ha? Edi ba kayo magkasama?"
"Hindi mo naman sya nakikita dito, di ba?" Bored nyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Asan sya? "Anyway, pumunta ka sa office ni Director, ipapaliwanag na yung mission plan natin."
Derederetsong umalis si Agent Red King ng kwarto matapos kong sabihin yon. Okay, srsly... what the hell?
Lumabas ako ng kwarto para sundan sana sya pero nahagip ng mata ko si Rury na naglalakad na parang zombie sa kabilang hallway. Agad ko syang pinuntahan.
"Rury! Tawag ka ni director sa office nya, ipapaliwanag na yung mission plan natin."
"Ganun ba?" Malata nyang sabi at saka naglakad papalagpas sa akin na parang zombie.
I'm missing something, right?
They're both weird. Hindi naman sila ganyan kahapon eh. Nang makarating ako sa office, nandoon na silang dalawa, pero ang nakakapagtaka, malayo sila sa isa't isa at di nagtitinginan. Magkaaway ba sila?
Pumila ako kasama nila Sean at Agent Wine. Nasa harap namin sila Ms. Seri at Agent Vodka. Si Rury at Red King naman ang nasa gilid ni Director.
Nakaramdam ako ng malamig sa braso ko at nang nilingon ko yon, nakita kong may malamig na coffee in can na inaalok sa akin si Sean. Kinuha ko yun at ininom.
"Magkaaway ba yung dalawa?" Bulong sa akin nito.
"Ewan," sabi ko.
"Parang hindi yata sila magkasundo," si Agent Wine.
"Underground laboratory ang iinfiltrate natin, mga bata. Pabilog ang itsura ng laboratory natin at may mga taong nagtratrabaho doon. Ang kailangan nating gawin, paalisin ang mga tao na nasa loob noon bago tayo magpasabog." Seryosong sabi ni Director, "Sila Mae, Sean at Tristan ang navigators nyo. Mae, sayo si Rury. Sean, kay Mikko. Tristan, ikaw ang bahala kina Seri at Vodka."
Nagkatinginan kami ni Rury. Halata sa mata nyang parang may nangyare sa kanya.
"Sina Seri at Vodka ang manggugulo sa entrance para magevacuate ang mga workers sa safety room nila. Ang saftey room ay dapat nasa kamay na natin sa mga panahon na iyon. Kung baga, akala nila safety room iyon, pero ang totoo deretso sa mga van natin ang mga taong pupunta doon. Sila Seri at Vodka na ang bahala sa mga tao," paliwanag ni Director.
"Sisiw," nakangiting sabi ni Vodka.
"On the other hand, dapat ready na ang mga bombang gagamitin natin sa pagpapasabog bago gumawa ng gulo sila Seri at Vodka, at ang task na iyon, ay nasa inyo... Rury and Mikko. Kayo ang mauunang pumasok sa loob para mag planta ng mga bomba. Kapag ayos na lahat ng bomba, doon na gagawa ng gulo sila Vodka at Seri. Now, ang problema.. siguradong may haharang sa atin. May dalawang elite guards ang laboratory na iyon and they are terminating their targets. Rury, Mikko, I want you to look for each other, okay?"
YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...
Alternative Ending 1 (Mikko and Rury)
Start from the beginning
