Sya ang naunang sumugod. She's extremely fast. In a blink of an eye, nasa harap ko na sya. I blocked my eyes because I know she will target my most vulnerable area. Hindi ako nagkamali. Nang masalat ko ang kamay nya sa kamay ko, hinawakan ko yun. I gave her a hit on the neck but she caught my blow. Now that our hands are occupied, what now? My head stopped working when I saw her face came near to me. Nakangiti sya. Hindi ako makapagisip. Naramdaman kong pinatid nya ako sa baba pero hindi ko na nakontrol... parehas kaming bumagsak sa sahig. Nasa taas ko sya.
"Aw, sorry!" Sabi nya at saka sinubukang tumayo mula sa pagkakabagsak sakin, but I didnt let her.
Pinatong ko ang kaliwang kamay ko sa likuran nya.
I don't know what I'm doing.
"H-huh? Mikko?" Bulol nyang tanong.
"Dito ka lang," sabi ko.
"H-Ha?"
"Sabi ko, dito ka lang. Wag kang aalis," tapos pinatong ko yung isa kong kamay sa ulo nya. Nakaakap ako sa kanya.
"Rury, let me feel your heartbeat."
"B-Bakit? M..Mik--"
"Ssh. I'm listening to your heartbeat," sabi ko.
Tumahimik sya. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnamn ang bawat segundo na magkaakap kami.
Rury stopped being an agent but it didnt stop me from loving her. Noong laban pa lang namin kay Saya, alam kong mahal ko na sya... hindi ko lang nagawang sabihin. After that, she said she wanted to go to college and became what she wanted to.. so I held back. Hindi ko sinabi ang nararamdaman ko dahil alam kong makakagulo lang sa kanya yon. Tiniis ko. Pinanonood ko lang sya habang inaabot ang mga pangarap nya. Masaya ako don. Pero ngayon, nasa harap ko na uli sya. It feels like century simula noong huli ko syang makausap ng ganito. Nothing fades. Nothing.
"I'll take care of you, so don't worry." Matapos ang ilang minuto.. nagsalita uli ako. Inangat nya ang ulo nya at tumingin sya sa akin. She's very red. Wala pa rin syang pinagbabago.
"A-Ang ibig sabihin ba nito..."
"Oo, Rury... tama ang iniisip mo," sabi ko. Tinitigan ko sya ng mata sa mata.
Nangangatog ang mga labi nya, pero maganda pa rin sya sa mga mata ko. Napayuko sya uli at saka napaupo mula sa pagkakabagsak sa akin. Umupo din ako.
Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakayuko sya.
"I'm not forcing you," sabi ko.
Hindi sya nagsasalita. Nakayuko pa din sya.
Napayuko ako.
Bigla syang tumayo at saka nagtatakbo papaalis. Hindi ko alam ang iniisip nya, but... I don't know.
This sucks.
-------
[Rury]
Pagkasara ko ng pinto, sumadal agad ako dun at napaupo.
Nag confess ba si Mikko sa akin?
Hindi ako makapagisip ng maayos. S-Si Mikko? Nagconfess? Gusto nya ako? Kelan pa? Teka, bakit ako? Akala ko si Kharone ang gusto nya. What the? Ano bang... AAAAH!!
Naguguluhan ako!
Napahawak ako sa labi ko at saka derederetsong naglakad ng magisa sa hallway. Paano ko sya haharapin? Leche flan, bes. Ang awkward nito.
Teka nga? Bakit ako naaawkwardan?
Gusto ko ba si Mikko? Bakit parang oo? Litsi di ko maalis sa isip yung mga mata nya noong tumitig sya sa akin kanina. Kahit pumikit ako, yun pa din ang nakikita ko. Urgh.
YOU ARE READING
Code Name: Agent Red
Teen Fiction[End] One of the top teenage secret agent Rury de la Cruz A.K.A. Agent Red Queen was given a very important mission to save their country, and that is to go to an elite school AS A BOY where Saya Konohana, the daughter of the leader of the terrorist...
Alternative Ending 1 (Mikko and Rury)
Start from the beginning
