Alternative Ending 1 (Mikko and Rury)

Start from the beginning
                                        

"Good afternoon, Rury." Si Director.

"Good afternoon po," sagot ko.

"Been a while? Hindi na kita nakikita." Sabi pa nya.

"Every weekends lang ako pumupunta dito eh, para sa training. It's been a while nga po." Nakangiti kong sabi.

"You haven't changed," sya.

"She won't," nakita kong lumabas si Mae sa likod ko kasama si Sean.

"Hey, lovebirds," nakangiting bati ko.

Sean shrugged. HE CANNOT DENY IT KASI SILA NA TALAGA. SA WAKAS. HAHAHAHA. MY SHIP! 

"Don't you miss being called Agent Red Queen?" Si Ms. Seri.

"Well.. I kinda." Kibit balikat ko.

"Don't you think this scene is familiar, Rury?" Biglang tanong ni Director.

Napaisip ako at napalingon sa kanilang lahat. This place, these people, this position, this atmosphere... it's like eto yung scene noong binigay nila sa akin yung mission kay Saya.

I had something in my mind.

"Let me guess... may mission ako?" Nakataas ang dalawang kilay ko.

"Not you only," si Ms. Seri "kayo."

And then I saw Mikko walking towards us.

"Ha?" Ngangang tanong ko sabay turo sa kanya.

"We're partners..." bored nyang sabi.

"Wait-- alam nyo namang hindi na ako working agent. Isa pa, my parents do not allow me to work on with these. And, I have a job." Sagot ko. "Bakit hindi yung isang lovebirds (Eden and Ice) yung kunin nyo? Sila ang the best among this best ngayon di ba?"

"They are currently away for a mission," si Sean.

"Rury, this mission must be done by the professionals. Ayokong sabihin to, pero alam kong hilaw pa ang mga current agents natin ngayon para dito. Alam kong ikaw at si Red King ang makakagawa ng paraan sa problemang to." Si Director.

"Ano po ba yung mission?" Tanong ko

"May nakapagtip sa amin na may gumagawa ng nanotechnology sa isang hidden basement. Nakakatakot ang pedeng maidulot nito kapag naikalat ang nanotechnology sa mga tao. Pede itong magdulot ng sakit o kung ano pa man. Your mission will be to destroy that basement." Seryosong sabi ni Director.

Natigilan ako. It's really hard. Kailangang plantahan ng mga bomba ang mga ganoong lugar para masira. Kailangan talaga nila ng professional para doon.

"Rury.. kaya naming gawan ng paraan yung trabaho mo sa school. Kokontakin namin yung may ari ng school mo for leave for a week." Nakangiting sagot ni Mae.

"Salamat." Sagot ko, "pero ang parents ko..."

"Agent Red Queen... we are gonna work on to that." Then director gave me a sly smile.

I-momove ko pa yata yung quiz ng mga studyante ko. *face palms*

------

Para akong tuod habang nakaupo sa lamesa ng bahay namin. I'm beside my dad, then nasa harap namin si Director, Sean, Mae at Mikko. Yes, they are asking for my dad's permission.

"Bakit anak ko pa?" Kunot na noong tanong ni Papa.

"Mr. dela Cruz, ang anak nyo ay napagagifted na agent at alam kong sya lang ang makakagawa ng ganoong bagay. I trust Rury's judgment and skills."

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now