Chapter 15: He's Back (Part 1)

4K 53 2
                                    

[Stacey's POV]

A Day before the Anniversary Ball...

***

Lakad takbo ang ginawa ko papuntang Music Room ng school. Andun kasi sila Ellis. Napag usapan na rin namin kung ano ang ipeperform ko. Hays! Kinakabahan na ako :3

Pagkapasok ko sa Music Room ay nakita ko silang nakaupo.

"Stacey, ano pinag aralan mo ba yung song ha?"tanong agad ni Ellis ng makita nila ako. " Oo naman. Hehe!" Sabi ko kahit hindi naman. Tinatamad kasi ako kagabe. Hindi ko maintindihan kung bakit iniisip ko parin yung annulment papers na nakita ko. Aish!

"Okay. Bukas na ang Ball kaya kailangan mong magpractice ng bonggang bongga !" Sabi ni Ellis na halatang excited. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Napag desisyunan kasi namin na tutugtog nalang ako ng piano habang kumakanta. Dahil yun lang naman ang alam kong gawin. *pout*

At yun nga nagpractice ako ng bongga bongga. Hihi! Para bukas mapanganga ko sila \^_^/

(Cafeteria)

Halos ata apat na oras kami dun sa Music Room. Huhu! Kaya pala gutom na gutom na ako.

"Namiss ko 'to!" Sabi ko at sinubo ang cheesecake. Namiss ko talaga 'to kasi naman naging busy ako kaya nakalimutan ko ang kumain nito. Huhu!

"Duh! Kaka kain mo palang niyan" sinimangutan ko lang si Ellis. Eh namiss ko naman talaga ito e dahil favorite ko kaya to.

Bigla namang umingay ang cafeteria. Hay naku. May gwapo na naman ba kaya ang OA ng mga girls ngayon?

"Oh my! Anong ginagawa ng papable husband mo dito?" Ha? Napatingin naman ako sa entrance ng cafeteria dahil sa sinabi ni Ellis. And she's right, andito nga ang hilaw kong asawa. Mukhang may hinahanap?

"Ang gwapo talaga ni Sir noh? Kyah!" G1

"May girlfriend na kaya si Sir?" G2

Hays. Walang girlfriend yan. Asawa meron at ako yun! -___-

Napatingin naman siya sa gawi ko. Tapos naglakad siya papalapit sa table namin. Hala? Yan tuloy pinagtitinginan siya ng madlang pipol dito.

"Let's go" mahina niyang sabi na ipinagtaka ko. Teka kumakain pa kaya ako! "Kitang kumakain ako e!" Mataray kong sabi at kumain ulit. Kung gusto niyang umuwi edi umuwi siya. May paa naman ata siya. Tssk.

Pero hinawakan lang niya ang wrist ko kaya nabitawan ko ang aking beloved cheesecake. Wah! T___T

"Sa bahay ka nalang kumain" sabi niya at hinila ako. Huhu! Napayuko nalang ako dahil yung mga tingin nila para akong hinuhusgahan. Kasalanan to ni Zed. Ano bang problema nito at mukhang tense?

Nang makarating kami sa harap ng kotse niya e hinila ko ang kamay ko.

"Ano bang problema mo?" Galit kong sabi sa kanya. Nabitin tuloy ako sa kinakain ko. "Lola is in the hospital right now. Kaya kailangan natin siyang puntahan" Ano?! Wah! Si Lola nasa hospital?

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Where stories live. Discover now