Chapter 6: Ferdy Problem

4.9K 85 5
                                    

[Stacey's POV]

Nasa harap kami ng isang magandang bahay. Wow! Kanino kaya 'to? At bakit dinala ako dito ni Zed? Pinigilan ko naman siya ng akmang papasok siya. Baka may makakita pa sa amin, isipin pang mga magnanakaw kami o nag tretrespass.

Tumingin naman siya sa akin. "What?" Takhang tanong niya. "Papasok ka? Hindi nga natin alam kung kaninong bahay yan." Sabi ko pero hinila lang niya ako at binuksan ang pintuan. Wow! Ang ganda!

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa loob ng bahay. "You like it?" Tanong niya. "Kanino nga 'to? Ang ganda naman!" Masayang sabi ko at tumingin sa kanya. "Someone special to me" Napakunot naman ang noo ko. "Kay Mama? Kay Zaira?" Sino bang special yan? Napabuntong hininga nalang siya saka umakyat. Ang bastos nitong kausap. Tinatanong ko pa siya a. Hay!

Imposible namang kay Zaira 'to. 6 years old palang kaya yung Kapatid niya. Namiss ko tuloy ang batang yun. Bakit kaya hindi sinama ni Mama si Zai sa resort? Hay!

Umupo naman ako sa couch at hinintay nalang si Zed. Special daw? Hmm sino kaya yun? Sa pinsan o sa kamag anak kaya niya 'to? Pero bakit wala manla mga picture frames na nakadisplay dito? "Zed! Asan si Zai?" Tanong ko nung bumaba siya. Napasimangot ako ng napansin kong nagpalit siya ng damit. Teka saan niya nakuha ang damit niya? "Grandma's house" Tipid niyang sabi. "Bakit nakabusangot ka?" Takhang tanong niya. " Bakit nakabihis ka? May mga gamit ka dito noh?" Lumapit naman siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "Let's go" sabi niya at hinila ako palabas. Bakit hindi niya ako sinagot? Walang modo 'tong professor na 'to.

Sumakay na kami sa kotse. Buti nalang may nakita kaming tindahan kanina nung naglakad kami kaya nakabili kami ng gas. Hehe!

-----------

Pagbalik namin sa rest house e agad akong sinalubong ng yakap ni Mama.

"Bakit ngayon lang kayo?" Worried na tanong ni Mama. Tumingin muna ako kay Zed na seryoso lang na nasa tabi ko. "Ma nakulangan kasi kami ng gas kagabe. Pasensya na po" Hinging paumanhin ko. I'm sure nag alala na naman si Mama sa amin. Si Zed kasi e. Pero nagtaka ako ng ngumiti si Mama. Luh?

"Really? Ang romantic kung ganun!" Ngek? Kinilig pa si Mama. "Mom!" Suway ni Zed na halatang naiinis at pumasok na sa loob. Pikon?

Hinila naman ako ni Mama sa kusina. "Ichika mo 'nak sa akin ang nangyari hehe!" Seriously? Ayos lang ba si Mama? Nagfake smile nalang ako, honestly gusto kong umalis dito e. Chikadora kasi si Mama e. "Ma ano naman ang ichichika ko? Hehe" Napakamot nalang ako sa ulo. "Nevermind nak. Pero kailan  niyo ako bibigyan ng apo?" Nakasimangot niyang sabi. Gulat na gulat naman ako sa sinabi niya. What?! Huhu ayokong mahot seat!

Ano daw apo?!

"Ha-ha. Ma naman!" Takte! Anong sasabihin ko? Napapaisip nalang ako. "Bakit nak?" Siguro pag tumangkad na ako? Huhu! Iniimagine ko palang na malaki yung tyan ko tas sa liit kong 'to? Wah! Ang pangit pangit kung ganun. "Hehe Ma teka lang a CR lang ako" palusot ko at tumakbo papunta sa CR hawak hawak ang dibdib ko. Kinabahan ako dun a!

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]Where stories live. Discover now