Chapter 22: Endearment

3.6K 58 0
                                    


AFTER 2 DAYS...

[Stacey's POV]

WAH!!! Malapit na yung on the job training namin >o< . Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang enjoy na enjoy ako sa Seoul. Tapos ngayon hassle na agad. Tss.

Pinatong ko ang siko ko sa desk at bored na tumingin sa white board. Kasalukuyang nag didiscuss si Zed at wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya. *sigh*

"Psst!" Lumingon ako kay Ellis na nasa likod ko. Nilapit niya ang upuan niya sa akin. "Ang unfair mo girl. Hindi mo sinabi sa amin na nag flylalo pala kayo ng perfect husband mo" yung tono niya mukhang nagtatampo tapos sumimangot siya. Eh kahit nga ako hindi ko naman alam na dadalhin pala ako dun ni Zed.

"Kasi naman, hindi rin naman niya sinabi sa akin na may plano pala siya. Hindi ko kayo tuloy nasabihan" Truelala yung sinabi ko. Tapos nagpout pa ako. "Pero kyah!!!! Alam mo ba girl hindi ako makatulog dahil sa kilig at kakaisip kung ano yung mga ginawa niyo!" Tapos hinampas pa niya ako, namumula narin ang pisngi niya habang nakatakip sa bibig niya. Pfft.

Ang echosera talaga nito. "Tss. Wag lovelife ko yung isipin mo,  sige ka baka maging single forever ka!" Pananakot ko sa kanya. Ang hilig kasi nitong maki update ng mga lovelife sa iba kesa yung sarili niya.

Nagtaka naman ako ng nagsmirk siya. "No need gurl, I have already  my Prince Charming " then she winked at me. WHAT?! "Di nga?" Bakit hindi ako convinced? "Grabe siya! Well, yes kahapon lang" Tapos bumungis ngis siya. Pfft. Kahapon lang pala. Akala ko matagal na. Haha!

"Tss. Sino?" I asked. "Kilala mo naman ata yung hottie mvp ng school natin diba? " sabi niya na halatang kinikilig. ANO? Eh dakilang playboy yun e! "Sinong hindi makakakilala nun e dakilang playboy yun" Tapos sinamaan ko siya ng tingin. Sumimangot naman siya. "Ay grabe siya! Hindi naman yun e. Ang sweet niya nga e" Hay naku! Ilang babae na ba ang pinaiyak nun? "Sweet ba ang tawag sa lalaking nagpapaiyak ng babae?" Concern lang naman ako sa kanya. Baka kasi pinag tritripan lang pala siya nung lalaking yun. Naku! Ako ang makakalaban niya >o<

"That was before. Ito naman suportuhan mo nalang ako please? Saka mag iingat naman ako noh!" Tapos nagpaawa effect pa siya. Psh -___- "Siguraduhin mo lang,  dahil pag uuntugin ko talaga kayong dalawa pag pinaiyak ka niya" Kahit matangkad yun, hindi ko yun uurungan. *smirk*

Pinulupot naman niya yung kamay niya sa braso ko. "Ang brutal mo talaga. Masisira face ko saiyo!" Nakasimangot niyang sabi. "Masisira talaga yan kaya mag ayos ka" Feeling nanay lang ang peg.

My Po-faced Teacher Is My Husband [ Major Editing ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن