PROLOGUE

2.2M 42.3K 6.4K
                                    

PROLOGUE

"BUD, I think the woman in your nine o'clock wants to eat you up," natatawang sabi ni Beckett kay Hunt saka ininom nito ang brandy sa baso at nagsalin ulit ng alak.

Hindi pinansin ni Hunt ang sinabi ng kaibigan. Pinagpatuloy niya ang pag-inom ng martini niya. Wala siya sa mood makipag-usap sa babae. He'd been out of shape these past few weeks. Hindi niya alam ang rason pero parang nawawalan na siya ng gana makipaglaro sa mga babaeng nakikilala niya kung saan.

Hunt thought that it was because he was tired, but that was not the case at all. Wala talaga siyang gana. Women and sex were his past time after a very tiring work in the farm. But these past few weeks, he found women bothersome and sex got boring as hell.

It was annoying the hell out of him that he couldn't enjoy sex like he used to.

At ngayon, nasa Bachelor's Club sila dahil nag-aya si Pierce na uminom. At dahil bukas pa ang balik niya sa farm niya, pinaunlakan niya ang imbitasyon ng kaibigan sa isiping baka bumalik ang dati niyang sarili kapag nakakita siya ng magandang babae.

But he thought wrong. Again. He kept getting worse and worse. Nawawalan na talaga siya ng gana makipagtalik at iyon ang nakakapagpapakulo ng dugo niya.

He used to love having sex, darn it! This was not him! What the hell was happening to him?

"Hunt!" Pukaw sa kaniya ng malakas na boses sabay yogyog sa balikat niya. "Nakikinig ka ba?"

Napakurap-kurap siya saka marahas na napailing. "Fuck," mahina niyang mura saka bumaling sa katabi. "What?"

Andrius gave him an arched look. "What do you mean what?'" Kinunotan siya nito ng nuo. "You were spacing out."

"Oh." Tumikhim siya saka sumimsim ulit ng alak sa basong hawak. "I'm fine."

"Hindi ko tinatanong kung okay ka lang, ang tinatanong ko bakit nakatulala ka."

Napatitig siya kay Andrius ng ilang momento bago nag-iwas ng tingin at sumagot. "It's nothing. Marami lang talaga akong iniisip nitong mga nakaraang araw."

"Are there any pest in your farm?" Tanong ni Pierce.

Umiling siya. "Nope."

"Nasunog ang ancestral house niyo?"

Napapantastikuhang napatingin siya kay Andrius. "My house is doing okay, dumbass." Napailing siya. "Bakit naman masusunog ang bahay ko?"

Nagkibit-balikat si Andrius. "May nangyari ba sa flower farm mo?"

Umiling ulit siya. "Wala."

"Money problem?" Beckett asked.

Pinukol niya ng masamang tingin si Beckett. "I'm still on the list of one of the richest bachelors in Asia, thank you very much."

"Then what?" Naguguluhang tanong ni Andrius. "Tatlong bagay lang ang mahalaga sayo to the point na nawawala ka sa sarili mo kapag may nangyayaring masama sa tatlong bagay na 'yon. Una, ang fruit at flower farm mo. Pangalawa, ang bahay mo. Pangatlo, ang pera mo. So, if what's bothering you is not one of those three, I suggest you visit this person." May inabot ito sa kaniyang calling card. "Sikat siyang psychologist. Matutulungan ka niya."

Hunt rolled his eyes, though he accepted the card. Ibinulsa niya ito saka ibinalik ang atensiyon sa alak na iniinom.

"Talk to Dr. Figueroa," ani Andrius. "Ayokong bisitahin ka sa mental kung sakali."

Ipinilig niya ang ulo saka inubos ang laman ng alak sa baso saka tumayo. "Aalis na ako," aniya.

"See?" Eksaheradong iminuwestra ni Andrius ang kamay sa kaniya. "He's being abnormal. Kung normal ka ngayon, lalabas kang may babaeng kasama."

Tumango bilang pagsang-ayon si Beckett at Pierce.

"Yes, he's abnormal," ani Beckett.

"Not himself," ani naman ni Pierce saka napailing. "In short, abnoy."

Hunt rolled his eyes, and murmured, "lunatics."

Hindi niya pinansin ang pagpipigil sa kaniya ng mga kaibigan niyang ayaw siyang paalisin. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa makalabas siya ng club.

Nang maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin sa labas, napapikit siya saka namulsa at naglakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

He planned on going home tomorrow, but he was getting bored in the city. Might as well just go home now.

Malakas siyang napabuntong-hinga saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon paalis.

Habang nagmamaneho, hindi namalayan ni Hunt ang paglipas ng oras hanggang sa makarating siya sa ancestral home ng mga magulang niya sa Baguio.

Kaagad niyang ipinarada ang sasakyan sa garahe at naglakad palapit sa pinto ng bahay. At dahil magmamadaling araw na, hindi na niya ginising ang mga tao sa loob ng bahay at binuksan nalang niya ang pinto gamit ang sariling susi.

Malakas siyang napabuntong-hininga ng makapasok sa loob ng bahay. Kaagad niyang hinubad ang jacket na suot saka naglakad patungo sa kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw siya.

Nang makapasok siya sa kusina, natigilan siya at nagsalubong ang kilay ng makitang may taong nakaharap na nakabukas na pinto ng ref.

And as his eyes examined the person, he came to realize that it was a woman wearing a weird pajama with small lion print. Isinasara nito ang pinto ng ref habang hawak ang baso na may lamang kalahating tubig.

Ilang ulit siyang napakurap habang nakatitig sa babaeng umiinom bago natagpuan ang sariling boses. "Who the fuck are you?"

"Ay!" Impit na napahiyaw ang babae.

Nakita niyang napatalon ito sa gulat at takot, dahilan para mabitawan nito ang hawak na kristal na baso.

"Who the hell are you?!" Ulit niyang tanong ng makitang sa halip na sagutin siya ay lumuhod ang babae at pinulot ang piraso ng nabasag na baso. "Answer me, woman!" Pagtataas niya ng boses dito.

May takot sa mukha nito ng mag-angat ito ng tingin sa kaniya. "P-pasensiya na, n-nauuhaw kasi a-ako." Nauutal nitong paliwanag. "Sabi naman ni -Manang Flor p-puwede akong uminom ng tubig sa ref."

Sa halip na sagutin o tanungin ang babae, napatitig siya sa maganda nitong mukha.

May kulay tsokolate itong mga mata, matangos ang ilong, manipis ang mapupulang mga labi at may kulay itim itong buhok na tuwid na tuwid. At habang may takot na nakatingin sa kaniya ang babae, nakatitig lang siya rito at hindi niya magawang alisin ang mga mata sa maganda nitong mukha.

What the hell...who was this woman?

"Sino ka?" Sa wakas ay natagpuan din niya ang sariling boses pero ang mga mata niya ay parang nasasakim na tinitingnan ang bawat sulok ng maganda nitong mukha.

"Ahm." May pagkailang itong tumayo habang nasa mga palad nito ang mga piraso ng nabasag na baso saka nakatungong nagpakilala. "A-ako si Tessa...a-ako ang bagong katulong na pinadala ng agency kaninang umaga."

Katulong?

Ilang beses siyang napakurap. "Katulong ka rito sa bahay ko?"

Since when?

Nakatungong tumango ito. "O-oho," anito saka malalaki ang hakbang na naglakad at dinaanan siya para makalabas ng kusina. "Itatapon ko lang ho 'to, señorito," paalam ng babae saka nawala na sa paningin niya.

When she was gone, only then that Hunt realized that he was holding his breath all this time. Nang pakawalan niya ang pinipigil na hininga, para siyang kinapos sa paghinga ng nanuot sa ilong niya ang natural nitong mabangong amoy ng dumaan ang babae sa tabi niya.

Ilang beses siyang napakurap sa pagkagulat na naramdaman ng katawan niya, lalo na ng maramdaman niya ang pagkabuhay ng parteng 'yon ng katawan niya.

What the fuck is this?

I think I really need to see a Psychologist or a freaking doctor while at it.

Fuck!


CECELIB | C.C.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon