Intro

11 4 1
                                    


February 14. Araw ng mga puso.


Nahagip siya ng mga mata ko. Saglit lang yon pero hindi siya mawala sa isipan ko. Merong kakaiba sa aura niya na parang gusto ko siyang kilalanin at makasalamuha.


NAPAKAIMPOSIBLE.


Kabilang siya sa Elite Class sa campus namin. Mundo ng mayayaman, may special treatment, artistic at puro pag-aaral ang inaatupag.


Ako? Isa lang akong simpleng babae na mahilig sa basketball, bobo sa math, at may pagkamahina sa spelling at grammar. Madami akong kaibigan pero hindi kami mayaman.


Pero gusto ko siya—wait! MAHAL ko na ata siya. Pero puwede bang magkagusto ako sa taong hindi alam ang existence mo?


Ah basta! Gusto kong pansinin niya ako! Gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko!


Kaya please! Notice me, Senpai!



©glxyalien 2017

Status: ONGOING

Date Started: 170417

Date Finished: ----

Notice Me, SenpaiWhere stories live. Discover now