71. Misunderstandings (Edited)

82 2 0
                                    

Andre's POV:

"Hindi na daw makakarating si ate Avah, may review raw sila ni Andy ngayon." Tinanguan ko na lang si Wayne. Natawa naman ako sa ginawang pagsagot sa kanya ni pareng Deric.

"Ayos ka brad, ah! Tanggap na tanggap mo na immature ka!" Ang sabi niya sabay tapik sa balikat niya. Tinabig naman niya ito at lumayo sa mokong.

"L*tse ka, brad! Lumayas ka nga! T***ina mo!!!" Nagtawanan na lang kami at natigilan dahil sa pagsulpot ng mga babae.

"Ahemm ahem! Tungkol ba to sa mga babae niyo?"- Hope

"Pwedeng makisali sa tawanan niyo? *roll eyes*"- Alex

"Ansaya namang pag-usapan yang mga chics niyo *roll eyes*"- Ann

"Tungkol saan ang usapan?" Sarcastic na tanong ni Jane.

"JB, pasali naman sa NAPAKASAYANG USAPAN NIYO!!!"- Zanea

"OMG!!! I got 445 likes!!!" Napatingin kaming lahat sa sigaw ni Xia.

"XIA!!!" Sabay-sabay naming sigaw sa kanya. Nag peace sign naman siya at umupo na sa swing. Nakiupo naman ako sa isa pang swing dahil wala naman akong nobya at nililigawang feeling namin kami na. Duh? Kung sino man yung mga tinutukoy ko, alam niyo naman na.

"Hopie babe, hindi naman yun tungkol sa mga babae, tungkol lang yun kay Wayne na tanggap niyang immature siya." Panunuyo ni Zachary kay Hope habang hinahugback siya. Napabungisngis na lang ako. Eww.

"Aish! Fine!" Sigaw ni Hope at niyakap siya. Oh diba? Hindi naman kasi talaga sila pero parang sila na. Sana nagsagutan na lang sila ano? Tsk!

"Hi Alex, my love. I mean, my life. Even though tungkol lang yun sa pagiging immature ni Wayne, I'm still begging for your forgiveness. Sorry my life." Sabi niya habang nakaluhod. Patago lang kami ni Xia habang tawa ng tawa. Nakakaloko talaga tong mga to. Hahaha!

"Sorry din, love. I love you!"

"I love you, too." Sagot niya at binuhat siya gamit ang paghawak sa bewang niya. Kumapit naman si Alex sa mga balikat niya at nagtatawa.

Pinagdikit naman ni Deric ang mga noo nila at naghalikan. Ops! Smack lang yun, ah? Baka akalain niyong passionate. At siyempre, alam ko rin iyang mga yan! Sino ba namang hindi makakaalam nito kung ang bruha mong kapatid ay lamon na lamon na ng koreanovela, foreign movies na puro naman romance at kahit na movie ng Filipino na romance pa din, ah?

"Eww." Mahinang sambit ni Xia na natatawa. Nag-apir lang kami at kunyari di nanunood.

"My Ann! Hindi naman kasi iyon tungkol sa chics, eh. It's all about the immature Wayne," Natawa kami ni Xia ng mahina nang marinig namin siyang magENGLISH. Whahahahah!

"Tignan nga natin yang kapatid ko." Napabungisngis na lang kami at nag-apir.

"Spill it! Explain everything!" Masungit na sigaw ni Ann habang naka-cross arms pa.

Nagpakawala siya ng hininga at hahawakan sana ang mga braso ni Ann kaya lang inunahan na niya ito at sinungitan pa nang lalo.

"Just... d-don't touch me unless you explain everything." Sabi niya na parang naluluha pa. Asus, Ann! If only you know, tungkol lang yan sa napaka-immature na si Wayne!!!

"Oh, yang bestfriend mo, naluluha 'ata." Sabi ko ng mahina na natatawa kay Xia.

"Hayaan mo yan. Nagpapalambing lang iyan." Bulong naman niya pabalik.

Inirapan ko na lang siya at ibinalik na ang tingin sa kanila.

Nakahawak na ngayon si Joe sa kanyang noo at umiiling.

The Love Band (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon