51. Bracelet

108 5 0
                                    

Andy's POV

Tsk! Ang hirap namang hanapin ng librong pinapahanap ni Avah. Tsk! Kaasar naman kasi 'yung babaeng 'yun! Kainis! 'Di man lang sumama sa akin at tumulong! Aish!

"Bwisit! Asaan na ba kasi 'yun?"- Mahina kong sabi.

Grr! Andito lang pala yun! Naghanap-hanap pa ako nasa harapan ko lang pala! Tsaka, sorry naman! Ano bang malay kong kasali na pala sa Harry Potter itong Victor Frankenstein? Ha?!

Ito naman kasing mga estudyante dito, 'di man lang nila ibinabalik ang mga librong hinihiram nila sa tamang lagayan. #IrapMode

Matapos 'yun hiramin sa library ay 'di pa ako umalis agad. Naghanap ako ng magandang mababasa. Mabuti na lang at alam nilang mga pocket books ang hilig basahin ng mga teens ngayon kaya nakahanap ako ng isang magandang babasahin. Ang tanging gagawin ko na lang ay maghanap ng uupuan para magbasa.

Inikot ko na ang buong library kaso lang wala akong nahanap na ma-uupuan. Sumandal ako sa wall sa may tapat ng table na na-occupy na. Haish!

"Uhh... A-andy?"- Napatingin ako sa nagsalita.

"Ikaw nga!"- Tumayo pa siya at lumapit sa akin. Pero 'di siya sumigaw ha?

"Hi! Long time, no see"- Sabi ko at naki-apir.

"What's up? Ba't andito ka?"- I sighed sa sinabi niya.

"May pinapahanap kasi si Avah na nobel tsaka, trip ko ring magbasa ngayon. Haha! Ikaw? Anong meron at napapunta ka dito?"- Tanong ko naman sa kaniya.

"Wala lang. Trip ko lang magbasa ngayon, haha!"- Ewan ko ba kung bakit kami tumatawa.
Eh? Ano namang nakakatawa?

"Nga pala, anong nakakatawa?"- Sabi ko na medyo tumatawa pa rin.

"Ewan. Ayun nga din sana tatanungin ko, eh. Haha! At dahil sa pareho tayo ng sagot na ewan, punta na tayo sa pangalawa kong tanong sayo, bakit ka nakatayo lang diyan sa may pader?"

"Puno na kasi ang mga tables, eh. Haha! Hindi ba parang canteen lang ang peg?"

"Sana nakiupo ka na lang sa akin"

"Ano bang malay kong ikaw yan? Tsaka, kung saka-sakaling alam kong ikaw talaga iyan, hindi rin ako makikiusap na makiupo dahil sa ayoko namang distorbohin ka sa pagbabasa mo"- Sabi ko pero this time, di na ako tumatawa.

"Ah. Pero kahit na ba, kung kailangan mo talaga, makiusap ka. Hingiin mo. At h'wag na h'wag kang susuko pag ka ayaw nilang sundin gusto mo. Dahil dito sa mundo, pare-pareho lang tayong mga taong nabubuhay at nangangailangan"- Inirapan ko siya habang nagpipigil ng tawa.
May problema ba 'to? Parang ang lalim naman no'n. Pero dahil sa ginawa ko, parang sumeryoso siya at nagkunot-noo. Ang ngiti rin niya ay unti-unting nagfade. Yung malalim niyang dimples, nagflat na.

"Bakit? Hashtag hugot, ah?"- Nawala ang ngiti ko at sumeryoso ang mukha nang mas kumunot pa ang noo niya.
Problema nito?
Magsasalita na sana siya nang dumating yung pa-epal.

"Uy! Magkasama sila!"

"Shhhhh!"- Napatingin ang lahat nang masama kay Zachary.
Maski ako, sinamaan siya ng tingin. Pati na rin ang kausap ko.

"Sorry"- Sabay peace sign pa niya.
Inirapan na lang siya ng ibang mga estudyante na nagbabasa.

"Tsk. Pa-epal talaga"- Mahina kong sabi pero sinadya ko talagang lakasan iyon ng konti para naman matamaan siya.

"Nagpapatama?"

"Oo"- Inirapan niya ako.
Inirapan ko na din siya.

"Ano bang pumasok sa utak mo, Zachary at napasigaw ka sa loob ng L-I-B-R-A-R-Y?"- Magsasalita na sana si Zachary pero inunahan ko siya.
Gusto ko kasing pagtripan, eh! Haha!

The Love Band (COMPLETED)Where stories live. Discover now