Short Story

25 5 1
                                    

"Ang ganda niya talaga" sinundan ko ang tingin mo at nahuli ko itong nakatuon sa isang senior na maputi.

"Aray ah! Sadista ka talaga, nandito kasi ako naririnig ko yung mga sinasabi mo" bahagya ka pang napabungisngis sa pahayag ko.

"Eh bakit ka ba kasi nandito? Ikaw yata ang masokista eh. Hahaha!" At tuluyan mo na nga akong tinawanan.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi lang akong nakabuntot sayo, Lagi mo akong kasama at ako ang laging nasa tabi mo. Para ngang naging daily routine ko na eh. Nakasanayan na, ganon. Ang masakit lang, Sa araw araw na iyon, wala sa akin ang atensyon mo kundi Nasa iba't-ibang babaeng nakapaligid sayo.

"Oh? Nandito ka na naman?" Halata naman na hindi ka nagulat sa presensya ko eh, kasi lagi naman kitang sinusundan kahit saan. Napangiti na lang ako ng plastik dahil nahuli na naman kita na sumusulyap sa isang Sophomore na Chinita.

Naiinis ako sayo, kahit minsan kasi hindi mo itinuon sa akin ang paningin mo. Hindi ka manlang nag-effort na lingunin ako kasi busy ka sa pagtanaw sa iba.

Siguro nga tama ka. Napakamasokista ko, kasi naaatim ko parin na habulin ka kahit alam kong wala namang pag-asa.

Masama bang magbakasakali? Hindi naman diba? Masama bang umasa na sana for once mapansin mo rin lahat ng effort ko?

"Crush nga kasi kita!" I blurted out nang hindi ko na mapigilan ang inis ko. Siguro sa araw araw na pag balewala mo sa effort ko nagkapatong patong na lahat.

Napatungo ka lang sa akin tsaka maya-maya'y tinawanan mo ako. Nang mga sandali na yan, nakaramdam ako ng kirot. Ang sakit lang dahil parang hindi mo pinaniniwalaan ang lahat ng sinabi ko sayo since the first day na nagkalakas ako ng loob na umamin ng nararamdaman ko. Parang ang lagay, balewala lang ang lahat sayo.

Ang sakit.

Masakit sa ego.

"Alam mo, you're just infatuated. Mawawala din yan eventually. Trust me" sinabi mo sa akin yan matapos mo akong tawanan. Hindi ako nakasagot sayo. Ano nga bang magandang isagot?

Sapul ako eh.

After that, I reflected on myself. Naalala ko nung una kitang nakita. Sa field yun eh, at kitang-kita ko ang kislap sa mga mata mo habang nagsasayaw ka. Ang sarap mong panoorin dahil halatang halata na gusto mo ang iyong ginagawa.

Simula noon, inalam ko kung sino ka. Mas ahead ka sa akin ng grade, at mas matanda ka sa akin ng isang taon. Sinundan na kita simula noon. Napaka-friendly mo, akala ko you gonna creep out kapag nalaman mo ang pagsunod-sunod ko pero tinawanan mo lang yun at hinayaan.

I totally fell for you're Passion when it comes to dancing, kaya nga siguro naging crush kita. Ang galing galing mo kasi talaga.

One time habang tahimik kang nagbabasa ng libro sa library, tahimik din kitang pinagmamasdan. Ang epic fail lang dahil akala ko hindi mo ako mahuhuli but I was wrong because all along nakikita mo pala ako sa glass sliding door nung stante ng mga books.

You asked me why I am following you, at sa sobrang pagkataranta ang nasabi ko sayo ay 'because I love you'. Hiyang-hiya talaga ako that time at gusto ko na bumuka ang white tiles ng floor at lamunin ako ng buong-buo.

You smiled at me and patted my shoulder.

By that time hindi ko alam kung paano mo nalusaw ang puso ko dahil sa ginawa mo. Baliw na kung baliw pero buong araw na yun ang laki ng ngiti ko.

Hindi na kita tinigilan, walang palya araw araw nakikitabi ako sayo kapag lunch time. FC lang ako pero ang sarap sa pakiramdam. Hanggang sa nakasanayan ko na ang pagbuntot buntot sayo. Hindi mo ako pinipigilan kaya akala ko ayos lang.

Pero nitong huli, masakit at napakasakit na lalo at higit sa pride ko.

Oo, ako yung kasama mo pero sa iba ka nakatingin. Ako yung madalas mong kasama pero ako yung madalang mong pinapansin. Ang masaklap, ako yung laging nandyan pero yung sakit akin pa rin.

Ang tanga ko.

Ngayon ko lang napagtanto na nasayang lang ang panahon, oras, pagod, at effort ko sayo.

Ang tanga, tanga ko para umasa na mababalik sa akin yung pagtingin ko para sayo.

Siguro nga infatuated lang ako. Siguro nga childish crush lang to. Siguro nga hindi pa ito seryoso. Pero sana makalimot na agad ako.

Kasi 'di ba pride lang naman yung nasaktan?

Hindi naman ako nawalan kasi kahit kailan hindi naman ako nagkaroon.

Ngayon ko lang narealize na sana pala nakinig ako sayo nung sabihin mo na:

'People sometimes mistakenly recognize infatuation to love'









Crush kita. Crush lang kita. At wala nang hihigit pa.





Crush Nga kasi KitaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora