Nagsisisigawan na din ang mga istudyante.

Tang'na!

Bakit ba hindi ako makalaban? Bakit ba parang naduduwag ako? Ngayon pa talaga!

Sinusubukan kong tumayo ng may makita akong palapit sakin. Huminto sya sa harap ko habang nakayuko ako. Bigla nalang nyang tinapakan ang kamay kong nakalapat sa damuhan.

Pinipigilan kong sumigaw sa sakit. Ayokong ibigay sa kanya yung gusto nya. Ang makitang nahihirapan ako. Kapag ginawa ko yun, parang sinabi ko na rin na talo ako o sumusuko na ko.

Hindi ko gagawin yun!

"Ang tibay! Ayaw talaga sumuko!" Sabi ni Cyrus at nagtawanan sila.

Bigla nalang may sumipa sa sikmura ko dahilan para mapahiga ako at mamalipit sa sakit.

"C-cy..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya at sa mga barkada nyang nagtatawanan.

Sobrang sama ba ng ginawa ko sa kanya para saktan nya ko ng ganito?

Na-ospital po kaya sya!

Wrong question! Mas tamang sabihin na, wala na bang kapatawaran yung ginawa ko sa kanya?

Pero hindi rin naman marunong magpatawad si Cyrus. Kaya kahit ilang beses akong mag-sorry sa kanya. Wala din saysay yun.

"Argh!" Sigaw ko matapos makatanggap ng dalawang panibagong sipa sa sikmura.

Hindi ko na yata kakayanin. Nanginginig yung laman ko sa sakit. Hindi na ko makagalaw.

Please...Tulungan nyo ko.

"Cry as long as you want. No one will help you." Nakatawang sabi nya sakin.

Please...

"Tuluyan na natin to?" Tanung nung isa sa kanila.

"Wag muna... Nag-eenjoy pa ko." Sagot ni Cy at bigla nalang akong sinipa sa binti.

Hindi ganun kalakas pero napasinghap pa rin ako sa sakit.

Keifer!

"Itayo nyo." Utos nya sa mga kasama.

Hinawakan nila ko sa braso at pilit tinayo. Ayaw na makisama ng katawan ko kaya napilitan silang tiisin ang bigat ko. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Malakas na sampal ang binigay nya sakin. Sa sobrang sakit ng katawan ko hindi ko na nagawang indahin ang sampal nya.

"Matibay talaga!" Sabi ng isang may hawak sakin.

Anu bang definition nyo ng matibay?

Lambot na lambot na ko at parang lantang gulay. Yun ba ang matibay?

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Cyrus at inihanda nya yun para suntukin ako. Naipikit ko nalang ang mata ko at hinintay ang pagtama nun sakin.

Pero lumipas ang segundo at wala akong naramdaman na suntok. Baka namanhid na ang katawan ko sa mga bugbog nila.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko naramdaman ang suntok nya. Dahil hindi naman yun tumama sakin.

May pumigil sa kanya! Tinignan kong mabuti kung namamalik-mata lang ba ko.

Panung...

May naka-hawak sa kamao ni Cy at yun ay ang kamay ni... Keifer? Meron ding isang kamay na nakahawak sa kwelyo nya at yun naman ay kay... Yuri?

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon