"Hello manong guard. Kita mo ito? May ID ako."

"Naku ka talaga may ID ka late ka naman. Lagot ka nanaman kay principal niyan."

Tumakbo na ako. Malamang patapos na ang first subject at magsesecond subject na. Kailangan maunahan kong pumasok ang pangalawang subject teacher. 

Dumating ako sa room at nakahinga ng malalim ng makita kong may mga kaklase pa akong nasa labas ibig sabihin nun kakaalis lang ng first subject at wala pang next subject teacher.

"Late again miss Sy."

"Being responsible again mister Ensomo."

"Talking back again."

"Noticing me again."

"Annoying me again."

"Mamaya na tayo chika chika hah mister pres.? Baba ko muna bag ko mabigat eh. Tsaka tingnan mo may ID ako, nagID na ako. Hindi ka ba proud sa akin?" 

Hindi na niya ako sinagot. Nagpatuloy na din ako sa paglalakad papuntang upuan. Kahapon ang session namin ay parehas sa nauna. Pinalakad niya ako ng nakaheels. Buti at hindi na nasira yung heels na sinuot ko. Mas mabalis din akong nakapaglakad. Kaso ayun medyo naka lima akong libro. Kaya hindi ko alam kung nag improve ba ako. 

Napag-usapan din namin ni Mico ang mga kakainin ko dapat para healthy daw. Para sa kalusugan ko naman yun kaya medyo sige hindi ko papasakitin ang ulo niya sa part  na iyon. 

"Pssst Mico. May dinala ako para sa iyo."

Hawak ko yung mangga tsaka yung bagoong.

"What?"

"Eto oh. Try mo."

"Ilayo mo nga sa akin yan. It stinks. Ang baho."

"Hoy masarap ito. Itry mo na."

"F!@# no!"

"What? Bakit ayaw mo masarap ito. Itry mo lang." 

Umatras siya ng umatras kada lumalapit ako sa kanya. Dito pala kami sa labas ng building kasi dito ko na siya naabutan at nahabol. Tuloy pa rin siya sa pag-atras niya at paglayo sa akin. 

"Itatry mo lang naman kasi. Isa lang. Isang subo lang please."

"Ayoko! F*ck it off" 

"Dali na. Promise magpapakabait ako ng isang linggo."

Umaatras pa din siya kaya nabangga niya yung principal. At alam niyo na siguro kung saan kami nadampot dalawa

"Mr. Ensomo and Ms. Sy did you know that both of you just acted wrecklessly earlier? Ang paaralang ito ay may pinapangalagaang imahe kaya sana huwag niyong sisirain. Lalo ka na miss Sy. As for you Mr. Ensomo, I'm not expecting na madadala ka nitong si Kane. Dapat ikaw ang magdala sa kanya. I'm very disappointed to the both of you. Mababalik mo lang ang tiwala ko Mr. Ensomo kung mapapatino mo itong si Kane. Sana ang susunod nating pagkikita dito sa office ko ay after three months na. Dismissed."

Hindi manlang kami pinasalita. Pagtatakpan ko naman si Mico kasi kasalanan ko naman talaga kaso wala eh ang daldal ni ma'am prinicipal. Gusto sa kanya ang spotlight. 

Just like before he opened the door for me kahit alam kong labas sa kalooban niya.

"Next time kung gagawa ka ng gulo huwag ka ng mandamay pa." 

Yumuko ako. I don't know how to say sorry. Nahihiya ako sa kanya, sa ginawa ko. Sumobra na ata ang kakulitan ko. I should have known my limitations. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon