"Oo, okay lang ako."

We heard tatay clear his throat kaya napatuwid kami ng upo. Humarap si Richard kay tatay sabay sabi, "Opo. Kahapon lang po siya pumayag."

Ang passive ng mukha ni tatay, hindi ko alam kung amused ba siya na straightforward si Richard o galit ba siya? O naiinis? Hala tay, natatakot ako sa'yo huhu. Si nanay saka sina ate nakikinig lang sa'min, hindi talaga nagsasalita. Ngayon ko lang naexperience to, though nakita ko na to dati pa sa mga manliligaw nina ate. Pero iba pala kapag firsthand experience. Nakakakaba.

"Kung manliligaw ka, gusto kong dito kayo sa bahay at hindi sa kung saan-saan. Kung aalis man kayo, siguraduhing alam ko at ng nanay niya. Hindi mo pwedeng dalhin kahit saan si Menggay, malilintikan ka sa'kin, Richard," sabi ni tatay sa kanya. "Iingatan mo yan, bunsong babae ko yan."

Napatingin si Richard saka ngumiti sa akin, bago bumalik yung tingin niya kay tatay. Hinawakan ko naman yung kamay niya, assuring him that everything's okay now that tatay said those things.

"Opo, sir, iingatan ko po si Maine," he answered. "Hindi ko po siya papabayaan."

My father just nodded and finished his food. Hay, nakakaloka!

***

Kakatapos lang ng first bell, signalling for us to go down since start na ng lunch break. Sobrang gulo ng table ko kasi ang daming papers kaya hindi ako makakilos ng maayos pero tinulungan na ko ni RJ sa pag-aayos. Hinihintay na rin naman kasi kami nina Gio sa labas ng room namin.

"Okay ka na?" RJ asked as he stood up. I nodded and we started walking towards the door nung tinawag kami ni Ms. Carvalho. Sumenyas kami kina Gio na mauna na muna sa baba.

"Richard, Maine, kausapin ko kayo saglit," sabi niya sa amin. Bumalik tuloy kami saka umupo sa mga upuan na nasa tapat ng table niya. "Busy ba kayo sa mga ECAs niyo?"

Nagkatinginan kami ni RJ, bago ako sumagot. "Wala pa naman po kaming training for cheerdance, sa volleyball pa lang po. Sina RJ naman po next month pa po yung start ng training."

"I see. Kasi gusto ko sana kayong isali sa Ginoo at Binibining Agham. The Science Department is looking for representatives per section per year. Mrs. Mendez asked all the advisers to pick out representatives for every section and kayo yung napili ko," lumingon sa akin si Ms. Carvalho. "I can excuse you out on the volleyball team muna, I think alam na rin naman ito ni Coach Danny."

"Kailan po yung pageant night?" I asked. Medyo madaming kailangan i-process.

"It'll be three weeks from now. The whole class is going to help you since yung gagamitin niyo for that, yung gown and suit and others are made up of recycled materials. I think nakapagsimula na ng design for that, coordinate with Kara na lang since siya ang alam kong assigned sa design ng gown and suit ng contestant ng class natin."

"Ano pa pong gagawin namin," RJ asked. "May talent portion po ba?"

"Actually, oo," Ms. Carvalho answered. "Don't worry, kayang-kaya ni Maine yan."

"Ay grabe si Miss," I laughed nervously. "Di naman po ako magaling."

"Maniwala. But anyway, kausapin niyo na lang si Mrs. Mendez if you have any questions, okay?" tumango kaming dalawa. "Sige na, pwede na kayo mag-lunch."

Your UniverseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin