"Kelan kaya sila lalabas? Kanina pa tayo naghihintay dito eh!"
Ang ingay naman nitong katabi ko. Palibhasa newbie. Dalawang oras palang naman kaming naghihintay dito sa labas ng label company ng Five Republics, nagrereklamo na siya. Ako nga, minsan, mahigit labindalawang oras akong naghihintay hindi pa ako nagrereklamo non.
"Sssh! 'Wag ka ngang maingay baka mahuli tayo ng mga managers nila. Atsaka, wag ka ng magreklamo diyan at lalabas na rin yung mga 'yon kaya chill ka lang diyan," pabulong kong sabi. Tumahimik na rin siya at walang kibong sinamahan uli ako sa paghihintay sa mga 'love of my life' ko.
Five Republics
Yan ang pangalan ng bandang kinahuhumalingan ko ng mahigit dalawang taon na ngayon. Mahigit dawalang taon ko na rin silang sinusundan kahit saan sila magpunta pero hindi ako obsessed fan.
Oo, sinusundan ko sila pero hanggang dun lang yon. Hindi ako katulad ng ibang fans nila diyan na kung makita sila eh parang mga leon na nakatakas sa hawla kung magwala, magsisisigaw, at kung makahabol sa kanila. Mukha silang mga predators. Kulang na lang kainin nila ng buhay ang bawat miyembro ng Five Republics!
Quiet lang ako. Tahimik. Demure. Sinusundan ko sila pero hanggang tingin lang ang kaya 'kong gawin. Nahihiya kasi akong lumapit. Pakiramdam ko hihimatyain ako. Medyo O.A. pero 'yun talaga nararamdaman ko kaya madalas nakukuntento na lang ako sa mga patagong-tingin at stolen shots nila.
"Ayoko na, Sampaguita! Tatlong oras na tayong naghihintay dito pero wala pa rin sila. Uuwi na ako. Bahala ka kung gusto mo pa silang hintayin diyan," hindi ko na siya pinansin. Hinayaan ko siyang umalis mag-isa. Weak, ang bilis sumuko. Hindi ba niya alam na no pain, no gain? Para saan pa yung pinagmamalaki niyang ' fan' daw siya kung simpleng paghihintay ng ilang oras hindi pa niya magawa?
*
Mukhang worth it yung paghihintay ko kasi natanaw ko si Kieth Zambra, ang lead guitarist ng banda, na papalabas ng building. Linabas ko kaagad ang camera ko at kinuhanan siya ng litrato. Nasa may parking lot area ako nakapwesto kaya di halata na kinukuhanan ko siya ng litrato dahil natatakpan ako ng mga sasakyan.
Nakita kong sumakay siya ng kanyang Range Rover at pinaharurot ito ng takbo. Tumigil na din ako sa pagkuha ng mga litrato at humilig sa isa sa mga sasakyan. Napangiti ako habang binabalikan ang mga litratong kuha ko. Ang Five Republics – sila lang ang kasayahan ko. Makita ko lang sila, kahit panandalian lang, ay nabubuo na ang araw ako.
Sana dumating 'yong araw na magkakalakas ako ng loob na lapitan sila.
YOU ARE READING
Sampaguita (Koi No Yokan Series)
General FictionFive Republics. Yan ang pangalan ng bandang kinahuhumalingan ko ng mahigit dalawang taon na ngayon. Sila lang ang kasayahan ko. Makita ko lang sila, kahit panandalian lang, ay nabubuo na ang araw ako. Sana dumating 'yong araw na magkakalakas ako...
