Chapter 55-5. Fifty Shades of Pepita!

Začať od začiatku
                                    

"Oh, narinig mo Japo?" Pang-aasar agad ni Meg kay John Paul, habang tinatanggalan nito ng sapatos si Max. "Magpa-schedule ka muna pag balak mong maglasing."

Napakamot sa ulo si Japo. "Bakit ako?"

Natawa ko sa naging itsura ni Japo, pero agad din akong napatahimik kasi tumingin sa akin si Sef. At anak naman ng kamatis, he was still smirking. ARGH!!! Ano bang problema ng lalaking ito??? Bakit siya ganyan??? RRRRRR!!! HINDI KO TALAGA SIYA MAINTINDIHAN!!!

"Guys?" Jill then said, looking around at the pile of bags on one side of the room. Actually, mga bag namin yun. "Do you know where Max placed his bag? Wala kasi dito."

I went to the empty bed next to where Max was lying. "Andito yun sa ilalim ng kama." I said, crouching down to reach for it. Lumapit sa akin si Jill at inabot ko sakanya yung malinis na tshirt mula sa bag ni Max.

"Here," Jill raised the shirt. "We might as well change his top. Basang-basa yan ng alak."

Napansin kong agad kinuha ni Japo yung t-shirt kay Jill. "Ako na." He said in a soft voice, parang ayaw niyang iparinig sa amin.

"Japo!" Sigaw ni Meg. "Wag mong kakalimutan! MAGPA-SCHEDULE KA!!! Naku, mahirap na talaga yan!!! Haha."

Namula yung tenga ni Japo. "Oo! Hindi ko kakalimutan, lalo na ikaw isasama ko pag naglasing ako!" He joked back.

"Hahaha. Mabuting nagkakaintindihan tayo." Ang lakas ng tawa ni Meg, pati tuloy ako napatawa. Loka-loka talaga toh!!! Mukhang nasa mood siya ngayon, hindi ata nagsusungit.

Japo went on the other side of the bed and started to pull the damped shirt off of Max, but to no avail. He was literally struggling. Tutulong na sana kaming magkakaibigan... when suddenly... "Tulungan na kita."

Literal na parang tumigil ang oras sa loob ng kwarto na yun. I know for sure na hindi lang ako yung nagulat. LAHAT KAMI NAPANGANGA when Miguel Josef Uy Monteverde volunteered to help with MAX!!!!

Nabitawan tuloy ni Japo si Max, sinubukan kasi niyang i-upo ito kaya bumagsak lang ulit ito at bumalik sa pagkakahiga.

ANAKSHUTA!!! Totoo ba ito??? DA HELL!!!

Oh may gulay!!! Anong nangyari sa BOYPREN ko??? Anong nangyari Lord??? Lechugas!!! Alam nating lahat na hindi magkasundo ang dalawang yan. Mukhang gagalisin sila pareho pag pinagtabi natin. Tapos ngayon??? Merong pang tutulungan-na-kita na nalalaman si Sef??? Anong kalokohan ito??? NAKAKALOKA!!! Parang Flappy Bird lang ang peg nitong lalaking toh, ang sakit sa ulo!!! GRRRRR... Pramisssss!!!

Sef was amused as he eyed all of us, siguro para kaming larawan ng isang naka-PAUSE na movie. Yun nga lang lahat kami nakanganga.

"Huh," He leered at us. "Excuse me ladies." Nasabi niya sa amin nila Meg at Jill kasi nga nandun kami sa pagitan nung dalawang kama and he had to position himself there para matulungan si Japo.

Wala naman kaming nagawang tatlo kung hindi ang umalis at pumunta sa tabi ni Ken.

"Ano kayang magiging reaksyon ni Max pag nalaman niya na karibal niya nagaasikaso sakanya ngayon?" Meg whispered but I was pretty sure that Sef could still hear her.

"Eh di maglalasing ulit." Ken answered in a matter-of-fact tone. Nakatayo lang kaming apat doon habang pinanonood sila Japo at Sef.

"Pwede." Jill then nodded. Haha. Itsura namin nuh? Mukhang shunga lang. Hahaha.

My attention went back to Sef. This time I was sure, hindi siya nagkukunwari. Hindi talaga siya galit. Hindi talaga siya naiinis. Aaminin ko, I have no effin' clue what's gotten into him. Kung bakit niya biglang naisip magpaka-bait ng ganyan kay Max. But seeing him like this makes me want to smile. NYEMASSSSS, NAKAKAINIS NAMAN!!! MAS LALO KAYANG NAKAKA-IN LOVE 'TONG GAGUNG TOH PAG-GANYANG ANG BAIT-BAIT NIYA SA BEST FRIEND KO!!! Haha. Bigyan na nga natin ng extra, extra pogi points toh. Hahaha.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Where stories live. Discover now