Chapter 1: Ang Mahiwagang Timbangan

21 2 0
                                        

Ang mundo ng Sarguelas ay tila isang paraiso at talagang napakaganda nito. Mayroong mga iba't ibang nilalang na nagtutulungan, nagmamahalan at nagkakaisa rito. Napakalawak na mga bukirin, malalagong kagubatan at mayaman sa mga naggagandahang karagatan na mayroong napakaraming lamang dagat. Mabubuti ang mga nilalang dito ngunit bagama't maraming mabubuti hindi maiiwasang magkaroon ng mga masasamang nilalang.

Mga halang ang kaluluwa na ang tanging hangad ay kaguluhan. Gusto nilang sila ang mamuno at alipinin ang mga nilalang ng Sarguelas.

Nais nilang sila ang maging pinakamakapangyarihan.

Gusto nilang pahirapan ang mga mabubuting nilalang na pawang ang kagustuhan lamang ay isang masaya at mapayapang pamumuhay.

"Ano ho ba ang papel ng mahiwagang timbangan?" tanong ng batang mensahero sa mga ministro na nagbabantay nito.

Sa bawat timbangan ay may nakalagay ng mga nagliliwanag na bato na may iba't ibang kulay.

"Ang mahiwagang timbangan ang nagsisilbing balanse ng ating dimensyon. Kung nagalaw ito, mababago ang balanse ng ating dimensyon. Ang mga walang muwang na nilalang ay madadamay at ang pinakamasaklap sa lahat ay ang paglaganap ng kasamaan." may halong pagkahabag sa boses ng matanda ng pinaliwanag niya ito. "Kaya mas pinili naming itago ito at hindi ipinagbigay alam sa mga mamamayan ng Sarguelas. Upang walang sinuman ang maglakas-loob na galawin ito para sa makasarili nilang dahilan." pagpapatuloy nito.

Tatlong matanda ang nagbabantay sa mahiwagang timbangan.

Hangga't maaari ay ayaw nila itong iwanan dahil maaaring ito ay magalaw o mas masaklap kung may makaalam tungkol dito at gamitin ito sa isang masamang gawain.

Silang tatlo ay handang magbuwis ng buhay upang mapanatili ang katahimikan ng kanilang lugar at mailigtas sa kapahamakan ang mga inosenteng nilalang.

Nang bigla na lang mahilo ang isa sa ministro.

Ang pangalawang ministro si Mageumata!

Muntik pa itong matumba mabuti na lamang at naagapan ito ng dalawang ministro.

May kakayahan ang ministro Mageumata na makita ang mga sumusunod na pangyayari sa hinaharap.

Iba't ibang imahe ang kanyang nakita matapos nito ay isa lamang ang pumapasok sa kanyang isipan.

May nakaambang panganib, panganib sa tahimik nilang lugar!

Agad niyang kinausap ang punong Ministro at sinabi ang kanyang nakita. Dahil doon agad na inatasan ang batang mensahero upang magtungo sa mga sugo na magliligtas sa kanilang lugar. Ngayon pa lamang ay naghanda na ito at sinimulan na nito ang paglalakbay. Hinabilin dito na hangga't hindi niya nasasabi ang mensaheng dapat niyang ibalita hindi siya maaaring tumigil kinakailangan niya ring mag-ingat dahil nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng dimensyong Sarguelas.

Mas pinili nilang utusan ang batang mensahero sapagkat mas mapapabilis kung mag-isa lamang itong maglalakbay.

Samantala, sa mahiwagang
templo kung saan nakalagak ang mahiwagang timbangan nagtipon -tipon ang tatlong ministro. Pinagsama-sama nila ang kanilang kapangyarihan upang makagawa ng matibay na proteksyon para sa timbangan.

Dahil sa lakas ng kapangyarihan na inilabas nila nanghina ang tatlong ministro. Ngunit kahit na ganoon, pinatatag nila ang kanilang sarili upang handa silang harapin sa kung sinuman ang darating na kalaban.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jackie's Journey To SarguelasStories to obsess over. Discover now