Epilogue

10.2K 141 13
                                    

Epilogue

"Ano bang problema mo?" Naiiritang tanong nya.

It took a few minutes before I could found my voice, "Please make me one of your girlfriends... kahit may affair ka sa iba, tanggap ko."

"Are you out of your mind? Seriously? Magpapaka-tanga ka para lang sa'kin?"

Tumango ako habang umiiyak.

"You're getting yourself in pain even more."

"I just... want you back."

Matagal bago sya sumagot, "Ayoko." Madiing sabi nya at tumalikod.

Mabilis akong lumapit sakanya then hugged him from behind, "Please. Kahit anong ipagawa mo sa'kin gagawin ko. Lahat ng gusto mo, ibibigay ko. Mahal na mahal kita."

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nasa tyan nya at inalis iyon saka muling humarap sa'kin. "AYOKO NA SA'YO! Mahirap bang intindihin yun?! Thrill ang hanap ko sa isang babae. Hindi gaya mo na BORING!" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. "Hindi isang kagaya mo ang magpapasaya sa'kin."

He left.

Ang sakit.

Napakasakit ng mga sinabi nya.

Napaupo ako sa damuhan at doon nag-iiiyak.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang aking mga palad.

"Kawawa ka naman. Sinabihan kang boring ni handsome Zoid."

Inalis ko yung mga palad kong nakatakip sa mukha ko at tumambad sa'kin ang tatlong babae na ang kakapal ng make-up sa mukha.

"Anong pakialam nyo? Lumayas nga kayo sa harapan ko!"

Tumawa sila ng pang-maarte.

"Well. Well. Well." Sa bawat 'well' nung babaeng nasa gitna, isa-isa silang nagkibit balikat.

"Now I understand kung bakit ayaw na sa'yo ni Prince Zoid." Sabi naman nung isa.

"Kung ayaw nyong umalis, ako nalang ang aalis." Tumayo ako at naglakad kung saan ko iniwan yung mga gamit ko kanina at umalis na ng field.

Sa paglalakad ko, naabutan ko na naman si Zoid. Nakatayo sya at mukhang may inaantay.

Gusto ko syang lapitan ulit kahit na ilang beses pa nya kong pagtabuyan.

Pero naunahan na ko ng isang babae. Hindi sya si Chelsea. Poise na poise syang kumilos at kahit saang anggulo man, napaka-ganda at sexy nyang tignan.

Nagulat nalang ako ng pinulupot nya yung mga braso nya sa leeg ni Zoid at hinalikan ito sa labi. Hindi iyon basta halik lang. At kitang-kita ko kung paano gumanti si Zoid ng halik sakanya.

Parang na-paralized ang buong katawan ko. Hindi magkagalaw at tanging ang mga luha ko lang ang kumikilos. Maski ang puso ko, parang tumigil sa pagtibok.

"Now what?" Nag-snap ng finger yung babaeng kumausap sa'kin kanina sa field kaya naman natauhan ako.

Hinanap ko si Zoid at nakitang naglalakad na ito palayo habang nakaakbay sa babaeng hindi ko kilala.

"Bakit nyo ko sinundan?" May halong galit na tanong ko sakanilang tatlo.

"Gusto lang namin."

Inirapan ko nalang sila at tumalikod. Nakaka-ilang hakbang palang ako nang mapatigil ako dahil sa sumunod nilang sinabi.

"Nakita namin yung nakita mo."

"And we can help you. . . on how to attract that Playboy and be yours again."

Umikot ako at hinarap sila.

"Really? You girls can help me bring back Zoid to me again?"

"REALLY!" Masigla at sabay-sabay na sabi nila.

"Then how?"

* End of Book one *

I Revenged On A PlayboyWhere stories live. Discover now