Chapter 55 : Playboy

8.1K 138 11
                                    

Chapter 55

*Playboy*

 

================================================================

Saturday

Tinawagan ko si Zoid para itanong kung sabay ba kaming papasok. Medyo mali-late na kasi ako at kanina pa ko kinukulit ni Aldrich na sakanya nalang daw ako sumabay kasi mukhang hindi na naman daw makakarating si Zoid.

Pero gaya nga ng sabi ko, tinawagan ko sya at sabi nya, malapit na sya. Medyo traffic daw kasi.

Minutes later,

"Andyan na yung magaling mong maboy," he said harshly then made his way towards his car, but before he climbs in he muttered something. "See ya at school.... Mahal ko," he sent me a flying kiss.

"Mahal ko. Tss."

Nakatayo na pala sa tabi ko si Zoid.

"Uhh.. let's go," I said without looking at him.

Habang nagda-drive sya, nakatingin lang ako sa bintana sa tabi ko. Paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko yung nakita ko kahapon sa national bookstore.

Sasabihin ko ba sakanya na nakita ko syang may ibang babaeng kasama kahapon?

Baka ipaliwanag nya na blockmate or relative nya lang yun.

Right! I must've talk to him. I know he can't cheat on me.

Umayos ako ng upo. Nakatigil yung kotse kasi naka-red pa yung traffic light.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Uhmm... maboy.... uhh... n-nakita pala kita kahaponsa national bookstore na may kasamang babae. Uhmmm... blockmate mo ba yun?" Kinakabahan na sabi ko habang nakatingin sa windshield.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin sya sumasagot kaya napatingin na ko sakanya.

Ang lawak ng ngiti nya habang hawak yung phone nya, obviously nagti-text sya. Maya-maya, nilagay nya yun sa ibabaw ng dashboard nang hindi naalis yung ngiti sa labi nya.

"Ano nga ulit yun?" Nakangiti nyang tanong sa'kin.

Yung ngiting alam kong hindi ako ang dahilan.

</3

Nag-green na yung traffic light.

"Uhm.. never mind."

"Okay." Nagdrive na ulit sya.

He's acting so weird! Hindi nya man lang ako pinilit sabihin kung ano ang sinabi ko sakanya.

Argh (>____<)

I Revenged On A PlayboyWhere stories live. Discover now