Chapter 43 : Date

9.5K 164 18
                                    

~~~

Sa mga nagtatanong po kung bakit mawawala si Zoid, kasi po diba may sakit sya? Sana po na-gets nyo :)

~~~

Chapter 43

*Date*

 

 

Nandito na ako sa seaside sa MOA. Nagtatago lang ako sa likod ng puno.

Tinanong nya ko kaninang umaga kung saan ko gusto magdate. AKO DAW KASI ANG NAGYAYA, kaya kailangan ako daw ang mag-isip. Tch.

Ayoko kasi yung klaseng date na sa restaurant. chu-chu.. Tsk. Hindi ko type eh. Mas gusto ko pa mag-mall. Para todo bonding, diba? *3*

Tuwang-tuwa akong panoorin si Zoid na nakaupo sa bench. Pinagtitinginan pa nga sya eh.

Sorry kayo! Akin lang yan!

Tumingin-tingin sya sa paligid.

Ang kyuut talaga >O<

"Kyaaah~ Ang gwapo nung guy, oh!"

Napatingin ako sa babaeng nakatayo malapit sa pwesto ko. Naka-angat yung phone nya, obviously pinipi-picturan nya yung Maboy ko.

Hmpk. Kainit ng dugo!

Naglakad na ako papunta sakanya, pero napatigil ako nang may tatlong babae ang lumapit sakanya.

"Oh my gosh! Long time no see, Zoid!" Sabi nung babaeng naka-fitted shirt at mini-skirt. Pati yung dalawa nyang kasama, ganun din.

Nginitian sila ni Zoid.

Tsk. Kinilig naman yung tatlo. Kainis na, ha!

"How are you na, Zoid?" Sabi nung full bangs na girl.

"Okay lang naman." Sagot ni Zoid.

Hmmm... Hindi sya PLAYBOY mode ngayon. Iba yung way ng pakikipag-usap nya eh. Hindi flirt tone. Haha. Subukan nya lang!

"Matagal na kitang hindi nakikita sa bar, Zoid. I miss you na." At niyakap nya si Zoid. Yung yakap na dinidikit nya yung dibdib nya kay Zoid! Argh! How flirt! Bakit may ganyang klase ng babae, ha? Tell me!!!!

Napansin kong medyo lumayo sakanya si Zoid.

"May girlfriend ka na ba ngayon?" Tanong nung makapal yung lipstick. As in, SOBRANG kapal! Pareho ng mukha nya.

I Revenged On A PlayboyWhere stories live. Discover now