Andrei? Hindi ko inaasahang mababasa ko ang pangalan niya sa pahayagan ng Albueva. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.


"Dahil sa kanyang pahayag ay hindi na naming napigilan magtanong sa agent tungkol sa isang matandang kasabihan ng Albueva. "Sir, naniniwala po ba kayo doon sa pamahiin ng bayan na oras na may dayuhang dumayo at oras na mahulog ang loob mo sa isang taga-Albueva ay ito na ang iyong makakatuluyan...may babae po bang nakabihag ng puso ninyong taga-Albueva?"Hindi agad nakaimik ang agent ngunit nakikita naman ang kakaibang nining sa kanyang mata. 'Hindi nyo na po kailangan sagutin ang aming katanungan Sir.'

Isa rin sa mga tumulong upang mabalik ang kapayapaan sa Albueva ay ang nag-iisang tagapagmana ng mga Barrientos na si Vittoria McLine na matatandaang namatayan ng magulang ng matunton ang rebelyon noon. Siya ang tumulong upang makarating sa kinauukulan ang mga ebidensyang nakalap niya na magdidiin sa mga tiiwaling gawain ng pamilya La Grosa."


Mukhang nakuha ko na kung saan nagkakilala si Vittoria at Andrei.


"Ilang lamang yun sa mga pangyayaring sa nakalipas na dalawang tao na hanggang ngayon ay pinagpapasalamat ng buong bayan. Ngayon masasapi na ng buong mamamayan ng Albueva na 'Hindi na kami bilanggo sa sarili naming bayan.'"


Marami din palang nangyaring hindi maganda sa bayang ito. Hindi magtatakang bawat taon ay ipagdiwang nila ang araw ng kanilang paglaya.


Nakaranig ako na parang may kumakatok mula sa labas. Kailangan kong hanapin kung nasaan ang main door na magiging na namang pagsubok sa akin.


Mukhang magtatagumpay ako ngayon dahil palakas na ng palakas ang sigaw ng tao sa likod ng pintuang nasa harapan ko.


Pinagbuksan ko siya ng pinto at isang lalaking matangkad na may kayumangging balat tumambad sa akin.


"Magandang araw...nandyan ba si Tora?"


"Tora? Ahh!" Mag-aalangan pa sana akong sagutin siya ng maalala kung kaninong palayaw yun. "Pasensya na hindi ko alam kung saan siya nagtungo."


"Ganun ba...ikaw marahil ang pinsan niyang si Nira. Ako nga pala si Enrique Natividad." Inabot niya sa akin ang kanyang kamay. "Enri nalang."


Dahil maganda naman ang pakikitungo niya sa akin at mukha siyang mapapagkatiwalaan ay inabot ko ang kamay niya.


Napapikit ako at isang pangyayari sa nakaraan ang nakita ko.


"Tora, bumaba ka na dyan may bagong dating." Sigaw ng batang si Enri na nasa ilalim ng isang puno.

"Trappppp!!!" Sigaw ni Tora na naglalambitin gamit ang mga baging sa puno.

"Papagalitan ka naman ng mama mo."

"Hindi yan! WHOO!!! Ang sarap!"

"Tora!!" Sigaw ng kararating lang na lalaki.

The S.A.I.N.T.S 2: ReloadedWhere stories live. Discover now