Prologue

27 2 0
                                        


Play song: We can't be by Krissy

Alex

Sa panahon na naramdaman ko na iba na ang mahal mo alam ko sa sarili ko na tama na dahil alam ko na masasaktan lang ako ng sobra pag sayo nanggaling ang mga salitang iyon..

Hindi ko maiisip na magagawa ko iyon dahil hindi buo sa loob ko na bitawan ka hindi ko maintindihan kung paano ko nagawa ang bagay na alam kong ikasisira ng buhay ko..

Pero ng oras na ginawa ko iyon para akong nabunutan ng tinik sa dibdib parang iyon ang oras na nakahinga ako ng maayos..

Masaya ako na nakasama kita masaya ako dahil nakilala kita pero alam kong hanggang dito nalang tayo dahil simula pa lang na malaman ko na hindi na ako ang tinitibok ng puso mo...

Mahirap paniwalaan ang lahat pero nagawa kong tanongin ang sarili ko kaya ba kitang pakawalan? simpleng tanong pero hindi ko masagot...

Sa sobramg dami ng tanong sa isip ko hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot..

Bakit naiba ang tintibok ng puso mo? Hindi na ba talaga ako ng mahal mo? tanong na tumatakbo sa isip ko paulit-ulit oras-oras minu-minuto gabi-gabi yan ang tanong na hindi ko mahanap ng sagot..

Pero isang araw nahanap ko ang sagot sa tanong ko...iyon ay ang may iba ka ng mahal, na hindi na ako taong nagpapasaya sayo...

Dati rati lagi kitang iniintindi kahit na hindi na kita maintindihan sabi ko na baka pagod ka lang,,napuyat, o kung ano man ang dahilan mo tinatangap ko ....

Kahit na hindi ko maintindihan na bakit hindi ka na tumatawag hindi ka na nagtetext hindi ka nagrereply sa text ko hindi mo na sinasagot ang tawag ko ....

Sobrang sakit na hindi ko manlang marinig yung boses mo hindi ko magawang pumunta sayo dahil alam kong magagalit ka ...

Alam ko naman na nagsisimula ka palang tuparin ang pangarap mo eh pero sana huwag mo kong iwan kasama pa rin naman ako doon diba?

Ang sakit sakit hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para magkausap tayo kung bakit ka nagkakaganyan ...

Kasi ayokong sukuan ang meron tayo dahil alam kong meron pang pag-asa ang tayo...

Pero hindi ko na napapansin na unti-unti na ko napapagod sa lahat unti unti ko ng binibitawan ang meron tayo dahil doon ko na narealize na tama na sinasaktan ko lang ang sarili ko..

Ipinipilit ko lang ang sarili ko sa taong wala namang pakiaalam saakin sa taong hindi ako mahalaga

Lumipas ang araw dumating ang gabi bago ang kaarawan ko..hindi ako nageexpect na dadating ka na makakasama kita tulad ng dati...pero umaasa ako na maaalala niya ang birthday ko....kahit iyon lang ...

Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko ...ibig sabihin 11:00 na ng gabi nasanay ako na simula pagkabata hinhintay ko mag 12 para salubungin ang birthday ko ...

Lumabas ako ng terrace ng kwarto ko ... habang iniisip kung ano ang nangyari ng araw na ito 11:59pm April 18 ×××× ang araw na sinagot ko siya ang gabi ng bago ang birthday ko matagal na tagal na rin pala simula noong nangyari iyon ...

Lumipas ang oras tumunog ang orasan ko hudyat na 10 minuto nalang kaarawan ko na

Subalit ang pagtunog na iyon ay ang dating oras na bubuksan ko ang telepono ko para makita ang text niya sakin ..

Sa oras na ito dapat kausap ko na siya sa oras na ito sabay namin hihintayin ang alas dose at siya ang taong unang babati sakin ng happy birthday ...

Pero ngayon mananatiling alaala na lamang iyon dahil alam ko na hindi na kami kagaya ng dati...

Hindi na ako nagulat ng sunod sunod tumunog ang cellohone ko dahil hudyat na iyon na araw na ng aking kaarawan

Pumasok na ako sa kwarto ko at sinara ko na ang pintuan ng terrace ...

Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko sa bedside table ko....

Pero napabangon agad ako sa kama ng makita ko kung sino ang bumati sakin...

Ian..

Hindi ako lubos na makapaniwala sa nakikita ko After 3 years ngayon ko lang ulit siya nagmessage ...pero sa lahat ng napili niyang araw ngayon
pa...sana hindi nalang siya nagtext sana panaginip nalang ang lahat ng binanabasa ko...

Hindi ko na napansin na bigla nalang may tumulong luha sa pisngi ko habang binabasa ko ito unti-unti nadudurog ang puso ko unti-unti akong sinasaksak sa loob ....

From : Ian
I'm breaking up with you alex..and btw happy birthday enjoy your day..


haha! Happy birthday nga Alex happy birthday ....

Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na ang cellphone ko at tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha ko ...sana panaginip nalang ang lahat sana hindi ito totoo...

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako tumahan at tumigil kakaiyak dahil unti-unti na bumigat ang mga talukap ng mata ko...

Kinabukasan...


Nagising ako sa ingay na nangyayari sa kwarto ko...

Binuksan ko ang mata ko at

"Happy Birthday!!!"

Sigaw nilang lahat ...happy birthday...

Napangiti nalang ako yeah happy birthday...

Nakagawian nila ang pagbati sakin bago ako gumising kaya nasanay na ko....

"Oh blow your candle na and make a wish"

Lord sana sa lahat po ng sakit na naramdaman ko nagyon ay matulungan niyo po akong magsimula ulit.. Amen..

Pagkatapos kong bangitin iyon ay hinipan ko na ang kandila ko..

"Happy birthday bess!! sige na mauna na kami sa baba mag-ayos ka ha! aalis tayo! bye!!!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sinarado na niya ang pinto...

New beginnig, New memories, New life, and New me

Ngayon na alam ko na , na tapos na siguro ito na ang umpisa ng pag momove-on ko..


Goodbye... Christian Dale Corpuz
Until we meet again..



Well Happy birthday to me

......

-------------

We can't beWhere stories live. Discover now