"Oo miss. Wala na siyang ibang gusto. Kaya bitawan mo na yung tray at gutom na ako." Sabat ko at napatingin naman siya sakin at napapahiyang tumungo. 

"Sorry ma'am, Shin." Sabi niya at pumasok don sa kitchen nila. 

"Pano ka nakilala nun?" Tanong sakin ni Kris pagkaupo niya. 

"Madalas kami nila kuya dito." Sagot ko at sinimulan ng kainin yung pagkain na binili niya. 

"Selos ka?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya. 

"Kanino?" 

"Dun sa babae." 

"Nope. Gutom lang talaga ako." Sabi ko sa kanya at bumalik sa pagkain. 

"We? Selos ka eh." Pangungulit niya pero hindi ako sumagot.

"Shin."

"Oh?"

"Galit ka?"

"Hindi."

"Galit ka eh."

"Hindi nga."

"Tapos hindi ka namamansin."

"Kumakain ako."

"Pansinin mo ko."

"Kumakain nga ako."

"Pansinin mo muna kasi ako."

"Mas importante pagkain kesa sa 'yo."

"Ah ganon?"

"Oo, ganon."

"Sige ako na lang kainin mo." Sabi niya bigla at nabulunan naman ako at agad uminom ng coke.

"Okay ka lang?" Natatawa niyang tanong sakin at binato ko siya ng tissue.

"You're such a pervert." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Hala galit na." Sabi niya pero hindi ako umimik.

"Shin? Iris? Bautista? Tuazon?"

"Sorry na."

"Ganern?"

"Pakyu?"

"Shin?"

"Baby?"

"Teka nga. Ako yung galit ah? Bakit ako 'yong nanunuyo?" Tanong niya sakin at napatingin naman ako sa kanya.

"Aba ikaw lang may karapatan magalit? Bawal ako?"

"Edi galit ka nga?" Tanong na naman niya. We're going in circles pero okay lang kasi neg-eenjoy naman ako kahit walang context ang pinag-uusapan namin ni Kris.

"Hindi nga, gutom lang."

"I love you."

"I love y-- tibay!" Sabi ko sa kanya sabay palakpak at natawa siya nang malakas.

"Kala ko makakakuha na ako ng i love you too eh." Natatawa niyang sabi at huminga nang malalim pero ngumisi rin naman after.

"Drama mo." Sabi ko naman sa kanya at natawa siya.

"Nagpapa-cute lang sayo." Sagot niya sabay kindat sa akin.

"Di ako nacute-an. Nabanas ako." Sagot ko at ngumuso siya.

"Sus. Gusto mo rin eh."

"Ha?"

"Gusto mo din." Pag-uulit niya.

"Inolet!" Pangbabara ko sa kanya at lalo pa siyang ngumuso.

"Kumain ka na nga dyan. Ikaw pagbayarin ko eh." Sabi niya at umirap ako.

I Know Places (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat