KAPAG NATAPOS NA ANG LAHAT

12 1 0
                                    

AN: This is dedicated to ate Eydee (beeyotch), author of "When It All Ends" which was the inspiration of this poem.😊😊

Ps. Di ko na itatag kasi nabasa na niya to hehe.

Kapag Natapos na ang Lahat

At kapag natapos na ang lahat

Kapag ang mga rosas na ibinigay
Ay natuyot na kasama ng panahon

Kapag ang oras ay hindi na malaya at
Ang mga ala-ala ay unti-unti nang naglaon

Kapag ang matatamis na salita ay hindi na
Pinapansin ng tadhana

Kapag ang mga yakap at haplos ay
Nanlamig na

Kapag ang mga halik ay nakakapaso na

Kapag ang dati ninyong pag-ibig ay nilisan ka na.

Tandaan mo sana: kapag natapos na ang lahat

Mamahalin padin kita.

-RMRO

Poetry of Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon