NAAALALA MO PA BA?

15 1 0
                                    

July 11, 2017
Manila, Philippines

To my dearest Ian,

Happy 23rd Birthday! Kamusta ka na? Sana okay ka lang. Maging masaya ka sana sa birthday mo. Maging masaya ka sana palagi. At sana mag-iingat ka palagi.

At dahil birthday mo ngayon, ise-share ko lang sa'yo yung mga memories natin. Okay ba?

Naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita? Yung sa 9th birthday party ni Ate Laura. Dun kita unang nakita. Pero naging magkaaway tayo kasi hindi kita binigyan ng hotdog na may marshmallow. Tapos lalo ka pang nagalit kasi sabi mo ginaya ko yung pangalan mo na Adrian. Adrianne naman yung pangalan ko eh. Kaya simula nun nagkaroon na ng one-sided war sa pagitan natin.

Naaalala mo pa ba kung paano mo ako binully nung first day ko sa grade school. Natatawa pa rin ako sa dinahilan mo sa Guidance counselor nun. Sabi mo pwede ka naman nang mambully kasi grade 2 ka na naman at grade 1 pa lang ako. Napagalitan ka tuloy lalo hahahaha. Naaalala mo pa ba kung paano ka pinahingi ng sorry sa harap ng mga classmates natin? Ang taas kasi ng pride mo kahit bata ka pa lang.

Naaalala mo pa ba yung unang beses na kinausap mo ako after mong 'mapahiya' sa classmates natin dahil nagsorry ka. Umuulan nung araw na yun. Sabi mo, "Hoy! Gusto mo bang sumilong? Wala ka yatang dalang payong. Pag namatay ka baka sisihin pa ako nung guidance counselor." Ang cute cute mo talaga.

Naaalala mo pa ba yung lagi ka nang pumupunta sa bahay namin kasi sabi mo mas masaya ka sa bahay namin. Kaya simula nun, naging friends na tayo. Lagi ka nang mabait sa'kin at lagi mo na rin akong ipinagtatanggol sa mga bully sa school hanggang sa mag-grade 3 ako at kaya ko nang protektahan yung sarili ko.

Naaalala mo pa ba yung nag-take ako ng test para masali ako sa accelerated class at saka para sabay tayong gr-um-aduate? Naaalala mo pa ba yun? Nag-review pa ako ng sobra sobra pero okay lang. Natupad naman kasi yung goal natin.

Naaalala mo pa ba nung graduation natin sa grade school? Valedictorian ako kaya niregaluhan mo ako ng kwintas. Ayun yung pinaka nagustuhan kong regalo sa lahat. Galing kasi sa'yo yun eh.

Naaalala mo pa ba yung sa magkahiwalay na school tayo nag-enrol? Nainis ka pa sa mommy mo. Tapos lumipat ka sa school ko sa kalagitnaan ng 2nd quarter. Sabi mo kasi gusto mo akong maging kaklase. Ang kulit kulit mo.

Naaalala mo pa ba yung unang pagkakataong nagkaroon ka ng crush? Lagi mo siyang kwinekwento sa'kin. Kung gaano kaganda yung mga ngiti niya. Kung gaano kaganda yung mga mata niya. Pati yung maliliit niyang ngipin napansin mo. Naaalala mo pa ba yun?

Naaalala mo pa ba yung niligawan mo siya pero nabasted ka agad? Umiyak ka pa sa'kin. Nalungkot tuloy ako. Kaya tinulungan kita na ligawan mo siya uli at dahil swinerte ka nung araw na yun. Sinagot ka niya.

Naaalala mo pa ba yung hindi mo na ako sinasamahan? Busy ka kasi sa kanya. Tapos hindi mo rin ako pinapansin. Hindi mo na ako nilalapitan. Tapos parang hindi na ikaw yung bestfriend ko nun.

Naaalala mo pa ba yung nagbreak na kayo? Grade 9 na tayo nun. Hindi na rin kita bestfriend. Pero nilapitan mo ako at nanghingi ka ng tawad. Tapos tinanong mo kung pwede mo ba uli akong maging kaibigan. Syempre oo yung sinagot ko hahahaha.

Naaalala mo pa ba yung unang beses kong nalaman na gusto kita? Gustong-gusto na kita. Kaya naiilang na ako sa bawat paghawak mo sa kamay ko. Sa pagtingin mo sa mga mata ko. Sa bawat pagyakap mo sa'kin. Akala mo tuloy naiinis ako sa'yo dahil sa pag-iwas ko sa'yo. Natakot kasi ako na kapag nalaman mo, ikaw pa yung unang lumayo.

Naaalala mo pa ba yung sinabi mo na gusto mo rin ako? Walang mapaglagyan yung kasiyahan na nararamdaman ko nung araw na yun. Sobrang saya sa pakiramdam na gusto ka rin ng taong gusto mo.

Naaalala mo pa ba yung sinabi mong liligawan mo ako? Nagulat ako nun. Pero natuwa rin kasi akala ko nagbibiro ka lang. Tapos sabi mo 'wag kong maliitin yung nararamdaman mo para sa'kin. Kaya pagkatapos ng isang linggo, sinagot na kita.

Naaalala mo pa ba yung unang beses mong naramdaman na hindi mo na ako gusto? Mahal mo na kasi ako, sabi mo. Nagulat ako kasi ganun na rin yung nararamdaman ko para sa'yo.

Naaalala mo pa ba yung unang anniversary natin? In-invite mo lahat ng friends at family natin para sabihin sa kanila na tayo na. Mas natuwa pa sila kaysa sa atin. Kasi matagal na raw nilang hinihintay na maging tayo.

Naaalala mo pa ba lahat ng problemang napagdaanan natin? Magka-college na kasi tayo kaya busy tayo parehas. Minsan nalang tayo magkita dahil sa dami ng ginagawa natin sa school. Pero nalampasan naman natin yun lahat at naka-graduate tayo ng maayos.

Naaalala mo pa ba lahat ng yun? Ang saya saya ng mga memories natin.

Naaalala mo pa ba? Naaalala mo na ba? Naaalala mo na ba na ako yung taong mahal mo? Naaalala mo na ba na ako yung taong pinangakuan mo na gusto mong makasama habang buhay? Naaalala mo na ba ako?

Sana oo. Kasi ako kahit kailan hinding-hindi kita malilimutan. Hinding-hindi kita kakalimutan. Kasi mahal na mahal kita.

Mahal na mahal na mahal kita.

Kaya sana maalala mo na lahat. Sana malala mo na ako. Hihintayin ko yung araw na maalala mo na lahat. Hihintayin ko yung araw na yun.

Hihintayin kita.

Nagmamahal at naghihintay sa'yo,

Ianne

-RMRO

Poetry of Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon