PROLOGUE

35 5 0
                                    


"Palayasin mo yan dito! ayokong tumira kasama siya!" Umiiyak ako habang sinasabi yon sakin ng bagong asawa ni papa. Iwan ko ba kung papayag ba si Papa o hindi.

"Anak ko siya hindi ko siya basta nalang pabayaan" mahinahong sabi ni Papa sa asawa niya habang nakatingin ako sa kanilang dalawa na umiiyak. Pinanlakihan ako ng mata sa asawa hi Papa kaya natakot ako ng sobra.

"Sige! ako ang aalis sa bahay nato! kung ayaw mong alasin yang anak mo dito!" galit niyang sigaw kay papa , yumuko lang si papa at malungkot na tumingin sa gwardiya namin.

"Ipasok mo muna siya sa kwarto" kalmadong sabi niya tumango naman sila kay papa.

Lumipas ang ilang minuto ay nagulat nalang ako ng magsidatingan ang mga katulong namin  sa loob ng kwarto ko at hinahalukay ang mga gamit ko.

"A-ano pong ginagawa niyo?" naguguluhan kong tanong sa kanila ngunit maskin ni isa sa kanila ay walang sumagot sakin at nagpatuloy sa pagkuha ng mga damit ko.

Nang matapos sila ay mabilis akong hinila ng Asawa ni papa at tinulak sa labas ng bahay kaya nadapa ako. Hinanap ng mga mata ko si Papa ngunit hindi ko siya makita.

"Lumayas ka dito! Hala! dalhin niyo ang batang yana sa malayong kagubatan at ipakain sa mga hayop don!" mas lalo akong napaiyak ng sabihin niya yon sa harapan ko.

"P-po? hwag po! maawa kayo sakin. Papa? Papa? hwag niyong gawin sakin to! PAPA!!!" halos napaos ako kakasigaw ngunit kahit anong gawing tawag ko walang nakikinig sakin.

Kasabay ng pagkidlat ang paghila sa dalawang braso ko at ipinasok sa loob ng sasakyan.

Unti-unti akong kinabahan , habang papatakbo ang sasakyan ay unti-unti din ang paglayo nito sa bahay namin. Hindi ko alam kong mamatay ba ako o papatayin. Wala akong alam kung saan nila ako dadalhin.

Lumipas ang maraming oras , nakita kong pumasok ang sasakyan sa isang maliit na daan kasya lamang upang makadaan ang mga sasakyan. Isa itong kagubatan .

May kinalkal ang driver at sinenyasan ang mga kasama namin sa loob ng sasakyan hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila at nagtakip sila ng kanilang mga ilong. Unti-unti akong nakadama ng antok at pagkahilo hanggang sa ......






"Hmmm...."

Nagising ako ng marinig ang mga maiingay na huni ng ibon , Nakahiga ako sa isang malaki at malambot na kama. May nakita akong malaking cabinet at ng buksan ko ito ay nakapaloob na ang mga damit ko. Nang lumabas ako ng kwarto ay tumambad sakin ang hindi gaanong kalakihang kusina tanging ang kwarto ko lamang ang malaki , Andito lahat ng mga kailangan ko sa pang araw-araw . May mga pinto kung saan nakalagay sa taas nito ....

STOCK ROOM FOR FOODS

SCHOOL SUPPLIES

CLOTHING ROOM .

Planado ba ang lahat ng to ? ang pagpapaalis sakin sa bahay ?? Lumabas ako ng bahay at ganun nalang ang pagkagulat ko nang makitang nasa kagubatan nga ako mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nagtago sa gilid ng kama dahil sa takot ko na baka may mga masasamang nilalang ang pumunta dito.

Behind The CloakWhere stories live. Discover now