Chapter 46

1.8K 40 40
                                    

Allison's POV

Nakadating na kami ni Amber dito sa mall at kasalukyan na naming tinatahak ang daan papunta sa restaurant kung saan ang meeting place namin nina Bekka.


Ano na naman kaya ang sasabihin nitong Bekka na to?! Naku naku! Siguraduhin nya lang na ikakasaya ako ang sasabihin nya! Kung Hindi babalatan ko sya ng buhay! Grrr


"Bae? " tawag pansin sa akin ni Amber na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.


"Huh? " binigyan ko sya ng nagtatakang tingin.


"Sabi ko nandito na tayo... Lumilipad na naman ang isip mo" naiiling at amused na sabi nya sa akin.


Tumingin naman ako sa harapan namin at nakita ko ang napakagandang restaurant, at sa tingin ko ay bago lang itong bukas.


Pagpasok palang namin ay sinalubong na kami ng isang waitress na maganda... Yep maganda, maputi, matangkad, matangos ang ilong, long brown hair, at masasabi Kong nabiyayaan sya ng magandang future.


"Aray!"Napa igtad ako ng may naramdaman Kong may kumurot sa tagiliran ko...tinignan ko naman ang salarin at kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ako dito sa kitatayuan ko.


"Pashnea ka! Bat moko kinurot?" Bulong ko sakanya at inirapan lang ako nito


"Humaharot ka na namang babae ka! At sa harapan ko pa! Subukan mo lang ulitin yan at kukurutin na kita sa singit! " ganting bulong din nta sa akin at sa bawat salita nya ay may diin.



"Ehem! Ma'am do you have any reservation? " agaw pansin sa amin ng waitress at may matamis na ngiti sa labi pero noong napadako yung tingin nya sa akin ay ngumiti sya ng pilya at parang sinasabi na I know that you just checked me out-look.


At naramdaman ko na na uminit ang buong mukha ko. Tnignan ko lang naman kung mas maganda ako dito.. At napatunayan ko naman na mas maganda mga ako. HAHAHA


#palusot#mayabang - alter ego


"Yes, it's under the name of Bekka Anne Stanley" formal na sagot ni Amber.



"This way ma'am" iginaya na kami ng waitress sa bandang dulo nang restaurant kung nasaan ang mga VIP rooms.


Pag pasok namin doon ay kaagad ning nakita si Bekka na kasalukuyang busy sa pagse-cellphone natigil lang sya nung nagsalita ang waitress para sabihin na babalik din sya dala ang mga menu. Kaya naman napatingin Si Bekka sa amin at lumapit.



Habang palapit sya sa amin ay di nakalampas sa paningin ko ang pagtingin at pag ngiti nya ng nakakaloko doon Kay ateng waitress na maganda kaya naman tinignan ko yung waitress at nakita ko namang inirapan nya Si Bekka. Napangiti naman ako ng lihim dahil sa nakita ko. Haha waeffect ang panghaharot nya 😂😂



"Oh! Hi Eris and Allison" pag bati sa amin ni Bekka pagkalapit nya at bumeso kay Amber na naging dahilan ng pag irap ko at bebeso sana sya nang pinigilan ko ang paglapit ng mukha nya gamit ang kamay ko, tinignan nya lang ako kaya naman ngumiti ako ng inosente na parang walang nangyare. Hehehe


"Com'on let's have a sit" at iginaya nya kami papunta sa table. Pagkaupo namin ay nagsalita na ako kaagad.


"Before we start this meeting or early dinner or anything you wanted to call it... I want you Bekka... " sabay tingin sakanya na nasa harapan ko lamang "...to speak in tagalog--" di pa ako tapos magsalita ay sumabat na sya kaya naman napataas ng bahagya ang isang kilay ko.



Operation Seducing That Heartless Nerdy Princess (𝐇 𝐈 𝐀 𝐓 𝐔 𝐒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon