Chapter 39

2.3K 65 2
                                    

" Can we pretend that airplanes in the night sky are like shooting stars.. So I could really use a wish right now.. wish right now.. wish right now..- Airplane Bob with paramore"

Emily's POV

Lahat kami dito ay nagkakasiyahan,  ang mga matatanda ay sama samang nagkukwentuhan habang ang mga asawa nilang lalaki ay nag iinuman at kami namang mga girls ay masayang nakikinig sa mga kaibigan namin na tumutugtog ngayon.. Kasama sina Amber,  Lauren,  Ken,  Bryan at si Bekka. Kung nagtataka kayo kung bakit nasali si Bekka ay dahil nagpumilit sya...kaya pumayag nalang si Amber.

"Epal talaga yang babeng yan eh!  Dapat ako yung kasama jan at hindi sya!  Papansin kasi kala mo naman maganda ang boses eh boses palaka naman! " Ge hulaan nyo kung sino ang nagsabi nyan..  Yeah si Allison na kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumulagta si Bekka.  Hahaha

"Hey Emma, parang ang sarap atang kumain ng jelly ace ngayon no??" Sabi ni KC kay Emma pero nakatingin naman kay Allison nung sinabi yung jelly ace. Nang asar nanaman ang baliw. Haha

"Pero ang ganda ganda ng boses ni Bekka no?  Ang ganda lalo pag nagsabay silang kumanta ni Amber. Bagay na bagay " sabi naman ni Elseth na nag acting pa na manghang mangha.

Pagtingin ko kay Allison ay lalo ng naningkit ang mga singkit nyang mata at parang bulkan na sasabog..

Yari kayo ngayon.. Sabi ko nalang sa isip ko.

"KC? " tawag ni Allison kay KC na busy'ng kumakain

"Hmm? " KC sabay tingin kay Allison na ikinaputla nya at nabilaukan nung nakitang ngumiti na parang serial killer si Alli

"Gusto mo nang jelly ace diba??  Tara kuha tayo.. Susubuan pa kita.. Kaso pati balat ipapalamon ko sayo nang manahimik ka ng bruha ka!  Kanina kapa nang iinis eh! "Galit na sabi ni Allison kay KC at di naman nakapag salita si KC na parang tinakasan na ng kaluluha... Gusto kong matawa kaso baga pati ako ay madamay.. Kaya wag nalang.. Mahal ko pa buhay ko at mamahalin ko pa si Lauren.. Yiee..

"At ikaw Elseth!  Maganda ba kamo yung boses nang lintang yan?!  Bagay na kaduet ni Amber hah?! Ipa---" baling naman ni Allison kay Elseth na di alam kung saan magtatago pero wala eh,  kaya hinarap nalang nya si Allison na ang sama ang tingin sakanya tapos nagsalita

"m-may s-sinabi ba akong bagay silang magkaduet at maganda boses ni Bekka?  Wala naman ah? "Maang maangan na sabi ni Elseth at kung nasa anime lang kami ay makikita mong umuusok na ang ilong ni Allison

Bad move..  Sabi ko sa isip ko.. Kawawang Elseth at KC

"At ginawa mo pa akong bingi ha?! Hoy babae!  Rinig na rinig kitang sinabi mong magada boses nyang palakang yan! Wag na wag mokong linoloko ha! " high blood na sabi ni Allison

"Ano sagot! Kanina dumadada kayo ngayon parang nalunok nyo yang mga dila nyo! " sabi pa ni Allison sa dalawang mag kaibigan na nakayuko nalang at parang nasermon ng magulang.

"B-bhest... Sorry na... N-nag j-joke lang naman kami.. Lam mo naman na pag kayong dalawa ni Amber ang kumanta perfect na.. Super.. Promise at bagay na bagay pa kayo.. Walang panama yang si Bekka sayo. " pambobola naman ni KC sa kaibigan

"Don't me ha KC! Mga leche talaga kayo! Sa susunod na marinig ko pa na pinupuri nyo yang babaeng yan masasakal kayo sa akin! " banta ni Allison kina KC na sunod sunod na tumango at sabay nagpromise..

Hayy buti nalang at walang dugong dumanak dito. Hahaha

Ang ganda talaga ni Lauren.. 😍

Operation Seducing That Heartless Nerdy Princess (𝐇 𝐈 𝐀 𝐓 𝐔 𝐒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon