Chapter 41

1.9K 50 4
                                    

"no bae, hindi ganun yun... 2 years na ang nakalipas... wala naman yun sa akin.. I can explain" pag pigil sa akin ni Amber sabay tayo na nya at tinignan ako sa mata na parang nagsusumamo na pakinggan ko ang explanation nya pero umiling lang ako at inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko at umalis na sa pwesto namin, sa party at tumakbo palayo sa kanya, sakanila.. gusto ko munang mapag isa... gulong gulo ako ngayon kaya balewala rin kung hahayaan ko syang mag explain ngayon.

Allison's POV

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa likod ng mansion nila Amber at may nakita ako doong glass house kaya doon ko napag pasyahang pumunta at magpalipas ng sama ng loob.

Ang sakit lang kasing isipin na.. na may nauna pa sa akin.. oo at hindi naging sila pero parang friends with benefits naman sila. Mas masakit yun.. at buong akala ko straight sya at ako yung nakapag bend saknya kaso hindi.

Malay mo linandi lang sya nung Bekka na yun! Ikaw naman kasi kaagad umalis! Di mo man hinayaang mag explain si Amber! Sermon sa akin ng alter ego ko

Nasaktan ako eh! kahit naman sino masasaktan doon sa nalaman mo and yung sinabi pa sa akin ni Bekka na she will do everything to get Amber.

At nag uumpisa na syang agawin sya sayo.. ang tanong ay kung isusuko mo nalang si Amber ng ganoon nalang? Nalaman mo lang na may namagitan sakanila dati at yung naging personal photographer nya si Amber for 2 years at hubad syang nagpopose eh susuko ka nalang ng ganun!

Sino bang may sabing isususko ko si Amber ng ganun nalang?! Hah! Past na nya si Bekka at past is past. Ako na yung present at future ni Amber itaga nya yan sa baga nya! At pake ko ba kung hubo hubo syang nagpose sa harapan ni Amber? Eh para lang syang kawayan na tinubuan ng mukha at boobs eh! eh ako? S.E.X.Y sexy-ng dyosa ako!hahahaha tsaka nagpapalipas lang nga ako ng sama ng loob.

Nagyabang pa! – alter ego

Heh! Manahimik ka nalang jan dahil totoo namang sexy at dyosa ako.

Haaay nababaliw na naman ako. Kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Makapag libot nga muna dito sa glass house na ito.

Tinignan ko ng maayos ang glass house..at namangha ako sa ganda nito.. simpleng glass house lang naman sya..walang masyadong gamit at dalawang palapag sya atmay roof top... kung titignan mo to ay para lang syang rest house.

Diko alam na may glass house papala sila Amber ditto dahil kung tutuusin ay ang laki laki na ng mansion nila. Pero sabagay billionaire sila. Hindi na nakapagtataka kung meron silang ganitong kalaking bahay at may glass house pa.

Sana bukas. Sabi ko sa sarili ko at pinihit ang door knob at buti nalang ay bukas ito kaya Malaya akong nakapasok sa loob at inilibot ang paningin ko sa loob ng glass house... mas maganda pala ito pag nasa loob kana.

pumunta ako sa sofa at nahiga na muna doon dahil nakaramdam ako ng pagod. Physically and mentaly. Hanggang sa diko namalayang nakaidlip na pala ako.

-------------------------------

May naramdaman ako may marahan na humahaplos sa pisngi ko papunta sa tip ng nose ko hanggang sa labi ko, kaya naman nagising ako..

-____-

-___0

0____-

0_____0

At bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Amber at ang hintuturo nyang nasa gilid ng labi ko.. inirapan ko lang sya bilang ganti at kinagat ang daliri nyang nasa labi ko at umupo na ng maayos.

Operation Seducing That Heartless Nerdy Princess (𝐇 𝐈 𝐀 𝐓 𝐔 𝐒)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon