√19

19 5 2
                                    

Pauwi na kami ni Renz. Nahihilo na talaga ako nakatabingi na yung mga nakikita ko.

"Renz hindi ka ba nahihilo baka maaksidente tayo." Tumawa lang sya.

"Ang hina pala ng alcohol mo sa katawan".

"Anong mahina araw araw nga ako umiinom eh, sadyang sa ulo ko lang talaga linagay bawat iniinom ko. Palit palitan kc sila ng tiyan at utak at depende narin sa tao yan Renz nuh.". Pang depensa ko kahit nahihilo ako alam ko parin kong ano yung lumalabas sa bibig ko. Hindi kaya ako umiinom kapag bitin gusto ko ung gapangan. Naisip ko tuloy yung nangyari samin ni DL at yung kanina.

"Kong ayaw na nya sabihin niya hindi yung ginaganito ako nadadaan naman ako sa usapan ah hindi sa patayan. Ganyan ba talaga kayong mga lalaki" . bulalas ko ng wala sa oras kc naman eh ang sakit eh. Na makita mo yung mahal mong may ibang tinatawanan at ka holding hands. Buong akala ko ako lang talaga.

"Of course not Nica, depende kc yan kong marunong makuntento yung isa sa inyo. Yong lalaki ba sa restaurant yong boyfriend mo". Tumango lang ako kunti.

"Oo pero hindi na ata ngayon". Walang gana kong sagot.

"Good". Masaya niyang sabi. Hinampas ko tuloy.

" Aray Nica hanggang ngayon ba ang gaan gaan ng kamay mo at ang bilis maka hambas".

"Eh kc naman ikaw eh pa good good kapang nalalaman kita mo namang nagluluksa yong tao eh." Hindi na ako umiyak malulukot lang maganda kong muka. Tinignan ko nalang yong picture nilang dalawa. Patago ko sila kinuhaan ng picture habang  kumakain kanina para may ebidensya narin ako kong sakaling ideny pa.

"Maliligawan na kita". Sagot niyang nagpatahimik sa'kin. Owno pag nalaman ito ni Jinky panigurado akong masasaktan yon.

" Hindi magandang biro yan Renz." Sabay labas ng kotse niya. Save by the bell pag sa school sa sitwasyon ko naman save by the gate. Bumokas ito at linuwa ang panget kong ate haha. Nag wave lang ako sabay alis na.

Tropa Kong LolaWhere stories live. Discover now