√9

17 3 2
                                    

Pagkarating ko sa DL bar umupo muna ako sa isang mahabang sofa dito sa center mismo ng bar sinandal ko ang buong likod ko at pumikit sandali. Huminga ako ng malalim. Napa isip ako kaya ko kaya ganitong routine araw2.mukang kelangan ko ng maraming vitamins sa katawan, hindi namam sa nag rereklamo ako pero hanggang kelan. Parang gusto ko nga mag live ng 3days at pumunta ng boracay para maka takas sa stress, hinawakan ko muka ko. Itong babyFace ko baka madamage sa daming kong gawain. Think Think👈 cling, tama ang naisip ko sasabihin ko kay Mama mag hanap siya ng makakatulong niya. Hindi naman sa hirap na hirap kami nasanay lang kasi si Mama na may ginagawa,bakit hindi nalang kasi tindahan yung pinatayo niya bbq-han pa talaga eh, hindi kaya ng isang tao yun tapos nag lagay pa ng apat na lamesa. Napamulat ako ng mag salita si Jinky.

"Hindi po hotel dito Mam.Janica".

Tumayo ako agad. sabay sabing ". Tumpak sige mam magtatrabaho na ho ako parang sumandal lang saglit. O para sa inyo." Kinuha naman niya yung inabot kung paperbag.

"Mukang masarap to ah". Nalanghap niya siguro ung sarsa.

" Exactly magaling kaya mag timpla Mader dear ko". Tinulak ko siya papuntang kitchen ng bar.

"Bakit ka nag dala nito". Tanong niya.
" may birthday ba sa inyo hindi mu naman birthday dahil sa pagkaka alam ko july pa birthday mo.". Ang daldal talaga nitong babaitang to.

"Kumain nga lang kayo daming mo pang sinasabi, sabihin nalng natin na nagmagandang loob yung nagbigay niyan."

"Sino naman " sabi ni dwane.

Tinalikoran ko na sila.

"Hoy". Tawag ni jinky

"Anung hoy, hoy bininyagan kaya ako". Pamimilosopo ko

Pssh " hindi kaba sasabay samin kuman?".

Umiling lang ako at lumabas na ng kitchen aayosin ko nalang dito sa counter para may tip ako. Naalala ko si Sir DL baka malate daw siyang pumunta dito. As if naman may paki ako nakakairita talaga ugali niya. Minsan nice karamihan rude. Napailing ako sa naisip ko. Pero bakit hinahanap ko ung presence niya.

"Janica bat iiling iling ka jan, hindi na tayo mga teenager para maglihiman pa pwede ka mag open sa amin kung may problema ka". Nagulat ako bigla bigla kasing nagsasalita. Muka ba akong may problema? Matanong nga

"John muka ba akong stress". Umiling siya sabay sabing

"Hindi muka kalang sfruits". Pinaningkitan ko siya ( -_- ).

"Anong sabi mo". Tinaasan ko boses ko. Pero yung biro lang.

Tumawa siya at napakamot sa ulo." Joke lang hindi ka naman stress muka kalang nalantang gulay" .

"Kuya naman eh niloloko mo ako kita mu na ngang lanta na ako aasarin mo pa ako".

"Baka hindi kana umabot ng alas dose sa lanta mo, mag pahinga ka nalang kaya ako nalng mag sasabi sa manager". Umiling ako.

"Nako kuya maraming salamat pero hindi pweding pa patay patay ako,iinom nalang ako ng cobra may tindihan naman sa labas eh,salamat sa pag alala kuya John.".

Tumango lang siya at sinabi sakin na."Ikaw bahala".

Lumabas muna ako para bumili ng Cobra. Buti nalang talaga may smoke detector yung Bar namin bawal kasi mag yosi sa bar namin ayaw lang ng may ari. Naalala ko nga noong two weeks palang ako sa trabaho natatawa ako na naiinis kasi naman yung koreano na bagong salta lang din dito sa pinas. Nanigarilyo siya sa loob eh na detect nong smoke detector ng Bar. Nabasa tuloy kaming lahat hahaha. Kaya maraming gustong mupunta dito ng mga teenager samin eh, nakakasakal naman kasi ung usok lalo na pag grounded na ung center ng bar kahit ung mini stage grabe lang. Dali dali akong pumasok naalala ko hindi pala ako pwede mag patay oras ngayon kasi sabado ngayon bibilhan ko pa si Lola ng pinangako ko sakanya hindi ko matupad tupad.

Nangmatapos kung ihanda yung mga dapat ihanda ai umupo muna ako sa floor ng counter bar namin, nagpahinga muna ako saglit sinilip ko wrist watch ko 7:38pm palang,pikit muna ako. Nang di mag tagal, parang may tao sa harap ko. Magkamulat ko hindi ako maka sigaw parang bumuhol ung dila ko sa lapit ng muka ni Sir DL. Omymouth ang bango niya. Saglit kaming nag katitigan hanggang nag salita siya. Omy my heart jump in the floor please somebody find it. San ko ba pupulotin yun.

"Are you feeling well?".nabalik ako sa ulirat.

"B-bakit ka nandito Sir akala ko po ba malelate ka?. Ang lapit mo Sir nakakailang ". Nauutal kung Sabi.

"I-im just checking you if your sleeping here, you can take your day off. If you want and i know you are tired now." Lumayo sya kunti " oh sorry. I just learned it from L.A, when human are sleeping or not." Nauutal din siya haha.

Tumayo ako at pumunta sa Dj's table pwede kahit sino mag Dj basta hindi customer. At Para maka iwas sa kanya. Buti nalang madilim hindi niya nakita ung pag blush ko. Ang bango ng hininga niya amoy mint nakaka tempt. Ano ba to masama na ito pinag nanasaan ko ang nag papasweldo sa akin. Pshh delete delete. Cut that off.

"Ok lang ako Sir wag ho kayong mag alala uminom na po ako ng energy drink." Sabay pa chugchug ko ng
Dont let me down by The chainsmoker.

He nodded and walk away.

Anyare dun.

Tropa Kong LolaWhere stories live. Discover now