"Ano?" O__O "bakit naman ayaw mong matapos ang sandaling ito? Ano ka ba? Kapag hindi natapos ang sandaling ito, hindi tatapos ang malakas na ulan."

"Syempre kapag hindi natapos ang mga sandaling ito hindi nga hihinto ang ulan sa labas pero hindi rin tayo makakaalis dito diba?"

"Oo nga eh bakit-----"

"at kapag hindi tayo nakaalis dito, mananatili tayo sa loob nitong kotse....for life. Ikaw at ako...tayong dalawa lang diba? Hindi na tayo magkakalayo, hindi kana makakalayo sakin?"

"H-ha?" takte! ano ba ibig nyang sabihin? di ko gets! ikaw gets mo? -_____-

"Anyway joke lang iyon noh! haha!" biglang bawi ganun? osige ikaw na natawa sa biro mo..parang some jokes are half meant?

"sige na chloe nicole matulog kana para maidlip ka. matagal-tagal din ang biyahe natin paluwas dahil mukhang traffic."

"okay." Ano bang ibig nyang sabihin? Bakit gusto nyang huwag na lumipas ang mga sandali? Bakitgusto nya manatili kaming magksama? Ano ba itong nangyayari sa akin? Kung anu-ano ang ibinibigay kong kahulugan sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Were friends again, hindi na iyon dapat masira pa.

******

Buti hindi nagalit sakin si Mr. Velasco dahil sa isang linggong bakasyon ko..Balik trabaho na ako ngayon at talagang nalibang naman ako sa nakalipas na araw na pagbabalik dito sa lungsod.

"Hi!"

"Nathan!" Ano un? Biglang bumilis nanaman ang tibok ng puso ko..

"Hi!"

"Oh! H-hi!" tse! sino ba tong babaeng kasama nya?!

"Ah by the way Chloe Nicole, siya si Loisa my girlfriend. ahm Loisa she's Chloe Nicole my bestfriend since childhood.

"Ah siya ba? Oh its nice meeting you Chloe Nicole." nakangiting nilahad talaga sakin ung kamay niya.

"N-nice meeting you too." tinanggap ko na baka sabihin wala akong manners.. -_____-

"Know what? I've heard so many things about you. Panay ang kwento ni Nathan sa akin ng tungkol sayo."

"T-talaga? Ibinenta na pala ako ng kaibigan ko sayo?" pretend that your happy chloe and wag kang magpaapekto sa kung ano nararamdaman mo ngayon..

"Hindi ah! ang kinuwento ko lang naman sa kanya ay yung tungkol sa kapilyahan mo noong bata pa tayo..haha."

"Iyon na nga yon..ibinenta mo ako sa nobya mo!" irapan kita eh!

"huwag kang mag-alala, magaganda naman ang sinabi nya sakin tungkol sayo." sabi ni Loisa.

"Talaga?" nakwento kaya ni Nathan ang paglalayas ko noon dito kay Loisa....huwag ng ungkatin!

"oo naman."

"ahm..kaya pala kami dumaan dito ay para ayain kang mag lunch at para makilala mo na nga siya..

"H-ha?" ano daw?? eh baka maging OP ako dahil mag ka relasyon kayo noh!

"So can you join us?"

"Ah..eh.."

"But i wont take no for an answer Chloe Nicole."

"Sus! Eh bakit nagtatanong ka pa?" hala! chloe praning kana! tawa ka lang..

Ayun sumama na ako sa kanila mag lunch..at parang isang bangungot para sa akin na pumayag na makasalo sa lunch ang dalawang magsing-irog na ito..

Sobrang sweet nga ng dalawang ito! Nagsusubuan pa habang kumakain! Swear! Di nyo ako nakikita dito! Walang tao sa harapan nyo! Lambingan lang kayo dyan! Kulang nalang mag laplapan eh! =______=

Nang matapos kumain ay nag paalam na ako sa kanila..dahil may trabaho pa akong dapat ayusin..pagkapasok ko sa building na pinagtarabahuhan ko dumiretso ako sa restroom at doon inilabas ang mga luha na gusto nang pumatak mula sa mata ko.

Bakit ganito? Bakit hindi ko kayang tanggapin na may sineryoso ng babaesi Nathan? What's wrong with me? Noon ay ayokong pakasal sa kanya, ngayon ay para naman akong mamamatay sa isiping pakakasal na sya sa iba. Nababaliw na ba talaga ako?

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now