7

5.9K 106 50
                                    

"Celina?."

Nagtataka kong tanong sa kanya. At tumabi ako sa sofa na kinauupuan niya.

"Ano ginagawa mo dito?." Tanong ko sa kanya ng mabait na boses. Hindi na katulad ng dati na tinatarayan ko siya.

"Ah. Kasi Absent ka kanina papahiramin lang kita ng note para di ka mahuli sa klase."

"Ganun ba." Sabi ko at inabot niya sa akin ang hawak niyang notebooks. Andami na niyang nagagawang mabuti sa akin hindi ko alam kung paano ko masusuklian yon.

"Sige , mauna na ako." Sabi niya at tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Ok, sosoli ko nalang bukas." Sabi ko sa kanya. At nagsimula siyang lumapit sa pinto para lumabas. "Ah , samahan na kita."

Sinamahan ko siya sa paglabas ng bahay habang makarating kami sa harap ng gate.

"Ahm.." Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero parang hindi niya magawa.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi ko. Marahan ko namang tinulak ang mukha niya.

"Para saan yon?." Tanong ko sa kanya.

"Diba magkaibigan na tayo, kaya siguro ayos lang yun, parang friendly kiss lang." Sabi niya na nakayuko habang pinagbabangga ang dalawang hintuturo niya.

"Ah, ok."

Tumalikod siya at nagsimulang lumakad palayo.

__

Jayson POV

Nandito parin ako sa internet shop. Hinahanap ko parin ang pangalan ng aking ina. Wala paring nangyayari. Kaya napagdesisyonan ko na umuwi nalang.

Medyo kulay kahel ang langit dahil magagabi na. Habang naglalakad ako, iniisip ko na posible pa kaya na makita ko ang aking ina. Paano kung hindi na?, Paano kung--.

Napailing nalang ako para di matuloy ang sasabihin ng utak ko.

Nangmalapit na ako sa bahay ni Cris ay nakita ko si Celina na kasama niya. Tila ang saya niya kapag kasama niya si Cris. Hindi ko maiwasan na di magselos sa kanila.

Pero di tama na magselos ako sa kaibigan ko. Kaibigan ko siya hindi dapat ito.

Sumunod na nakita ko ay hinalikan ni Celina si Cris sa pisngi. Tila may mabigat na dumadagan sa dibdib ko sa aking nakita. Tila gusto kong itulak si Cris palayo kay Celina pero hindi ko puwedeng gawin yun.

Lumapit ako kay Cris ng makita ko na lumayo na si Celina. Nginitian ko lang siya at nilagpasan.

__
Cris POV

Napansin ko na may lumapit sa akin , si Jayson pala.

Nakita ko na nginitian niya ako pero halata sa ngiti na 'yon ay lungkot at pait. Posibleng nakita niya ang ginawa ni Celina.

"Huy!, Wala yun friendly kiss lang yun." Sabi ko sa kanya.

"Ok." Sabi niya.

"Huwag ka nalang magselos." Sabi ko sa kanya. Humarap siya sa akin at nakita ko ang guwapo niyang mukha at ngumiti ito ,ginulo siya buhok ko dahil mas matangkad siya sa akin.

Nayuko lang ako sa ginawa niya.

__

Nakahiga na kami sa higaan para matulog, as usual nakahubad siya.

Ramdam ko parin ang panlalamig niya. Siguro mawawala din ito. Pero di ko maiwasan na huwag malungkot. Dahil di ako sanay ng ganito.

"Galit kaba?." Tanong ko habang nakatingin sa puting kisame.

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa taas.

Humarap din siya kaya magkatapat ang mukha namin. Kaya naramdam nanaman ako ng pagbilos ng kabog sa aking dibdib.

"Bakit naman ako magseselos diba sabi mo friendly kiss lang yun." Sabi niya. Muli nanaman siyang ngumiti kaya medyo lumiit ang mata niya.

"Paano nga kaya kung magkagusto rin ako kay Celina?." Biro ko at napangiti ako at muling bumalik ang tingin sa kisame.

"Ugh!." Daing ko ng pabagsak na dumagan sa dibdib ko ang mabigat niyang braso. "Ok fine, joke lang!."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pare Mahal mo daw ako?Where stories live. Discover now