5

4.3K 73 7
                                    

"Naku! Jayson selos ka naman." Pabiro kong sabi sa kanya."Pinasalamatan ko lang ang tao dahil sinoli niya cellphone ko."

"Naninigurado lang baka pinopormahan mo eh?." Sabi nito at inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.

Kailangan pa ba yun? Ikaw lang sapat na. Ewan ko ba naman kasi ayaw pa niyang ligawan si Celina kahit masakit sa akin.

Ano pa ba kailangan niya? Sigurado akong k'pag niligawan niya yun sasagutin siya agad non dahil guwapo siya matipuno. Kaya pati ako nagkagusto sa kanya eh.

"Jayson bihis lang ako." Sabi ko at umakyat sa kuwarto ko at nagpalit ng pang bahay na damit. Nakasando lang ako at nakajersey short.

Lumabas ako at nakita ko siyang nanonood ng t.v ,tumabi ako sa kanya at tumingin din sa pinapanood niya.

"Bakit ayaw mo pa kasing ligawan?." Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. "Nahihiya ka 'no?."

Nakita kong pinamulahan siya sa sinabi ko. Tumpak! Natotorpe siya kaya di niya magawang ligawan si Celina.

"Natotorpe ka lang kasi." Pabiro ko sa kanya. Siniko niya ako sa tagiliran kaya napatahimik ako.

Normal lang naman kasi yun na matorpe ka ang isang lalaki sa babae. Ako hindi pagkatorpe ang tawag sa situwasyon ko kundi 'natatakot' na sabihin sa kanya dahil malaman niya kung ano talaga ako. Saka malaki ang pangarap sa akin ni Mama, simula ng mawala sa amin si Papa. Kaya gusto kong matupad ang pangarap kong maging isang magaling na chef balang araw.

"Kain na kayo." Sabi ni Mama na naghahanda ng hapunan. Pinatay ni Jayson ang t.v at pumunta kami sa hapagkainan.

Sabay kaming kumain. Hindi ko maiwasan na huwag siyang tignan habang ngumunguya. Muli ko siyang tinignan medyo natawa ako dahil may mumo siya sa malapit sa ilong. Tinaasan niya ako ng kilay bilang pagtatanong. Umiling lang ako.

Sabay rin kaming nayari at pumunta sa kuwarto. Nakagawian niya maligo pagkatapos kumain kaya naghihintay ako dito sa kuwarto.

Narinig kong pumasok siya at nakahubad lang siya. At nakatapis.
Tinanggal niya ang tapis na tila walang tao nanonood sa kanya.

Muli nanaman na nagkumahog ang dibdib ko kaya napahawak ako at umiwas nalang ng tingin sa kanya. Nahiga ako sa kama ko.

Rinig ko ang biglang pagkulog sa labas. Mukhang uulan pa ng malakas. Nanginig ako sa takot dahil muling bumalik sa alaala ko ang gabing malakas ang ulan at non din oras nayun inatake si Papa sa puso dahil nag-away sila ni Mama wala kaming nagawa dahil tumataas ang tubig. Iyak lang ang nagawa ko non kasabay ng malalakas kulog at kidlat.

Nakahubad na tumabi sa akin si Jayson. Lagi naman nakahubad 'to pagnatutulog eh. Rinig ko na bumuhos na ang malakas na ulan.

Pinilit ko nalang matulog.

__

"Renato gumising ka!." Malakas na sigaw ni Mama habang sapo sapo ang katawan ni Papa.

"Papa!." Nakaupo lang ako sa isang sulok umiiyak sinasabayan ang malakas na kulog at kidlat sa labas.

"Renato!" Malakas na hikbi ang pinakawalan ni Mama. Tila nakikisabay ang panahon sa situwasyon ngayon.

__

"P-papa..."

Jayson POV.

Nagising ako dahil narinig kong nagsalita si Cris. Siguro napapanaginipan nanaman ang tatay niya.

"P-papa..."

Naramdaman ko nayumakap sa akin ang braso niya. Akala niya ako papa niya. Hinayaan ko lang na nakayakap sa katawan ko ang kamay niya. Handa akong maging sandalan niya dahil naging mabuti siyang kaibigan.

Mas humigpit ang yakap niya at kasunod non mga hikbi na kumawala sa kanyang bibig. Alam ko ang nararamdaman niya alam ko kung gaano kasakit na iwan. Dahil iniwan rin ako ng nanay ko. At naghanap ng iba dahil sa Ama kong magaling.


Pare Mahal mo daw ako?Where stories live. Discover now