4

4.4K 72 5
                                    

Pinulot ko ang nalaglag niyang gamit at inabot ito sa kanya. Saka ko lang nakilala na si Celina pala. Napagkarude naman na ako nakabangga tapos hindi ko pa tutulungan kahit inis ako sa kanya.

"Salamat... Cris."

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad para pumasok sa room. Wala akong oras sa kanya.

Pagkapasok ko sa loob ay kasunod ko lang si Celina. Tahimik akong umupo ganon din siya sa aking likuran kung saan siya nakaupo.

Tahimik akong nakikinig sa teacher sa harapan kahit hindi ako interesado sa kanyang sinasabi. Nakakabored.

Hindi parin mawala sa isip ko yung nakita ko. Yung kahabaan niya. Na parang gusto kong paglaruan. Nakakainis kung may lakas lang sana ako ng loob.

Edi sana nagawa ko na matagal ko nang mithiin. Pero natatakot talaga ako na iwasan niya ako kapag nalaman niya isa akong lamang dagat.

Bakit ba sa kanya pa ako nagkakaganito? Puwede naman sa bruhang nasa likod ko. Bakit sa lalaki pa?.

Ilang beses ko naririnig na napapabuntong hininga si Celina. Ano ba problema niya, wala nga siyang katabi solo lang mga upuan namin.

Nayari ang pangalawang period ay recess na namin.

Lumabas ako para kumain at napansin ko kasabayan ko lang pala maglakad si Celina. Kaya mas binilisan ko.

Pumasok ako sa cafeteria at umorder ng makakain at umupo sa vacant table.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko. Halos mailuwa ko ang lahat ng nginunguya ko ng wala sa bulsa ko. Agad kong kinuba bag ko at kinalkal wala din. Pagkakaalam ko ay dala ko yun.shit!.

Yung mga video ko dun para kakilala ko pa makapulot non.

Nabutan ako ng tinik sa dibdib ng maalala ko na password pala yun. Titignan ko nalang mamaya sa lost and found.

__

Nagpunta ako sa lost and found ng school wala rin daw sila nakita o nagsurrender man lang.

Halos manlumo ako.

Magdidilim na wala akong pangtext kay Mama para sunduin ako. Wala akong choice kundi maglakad.

Habang naglalakad ako sa kalsada ay kulay orange na langit dahil papalubog na ang araw.

"Cris!!." Rinig ko na sigaw sa aking likuran nilingon ko ito at nakita ko si Celina.

Huminto siya sa tabi ko at sinubukan ko na huwag maging masungit sa kanya ngayon.

"Bakit Celina?." Tanong ko sa kanya.

"Ah sorry hindi agad naibigay sayo kanina." Sabi niya at nakita ko na nilabas niya ang isang pamilyar na bagay sa bulsa niya.

Halos yakapin ko siya."Salamat nakita mo C.P ko."

Sabay kami naglakad isa lang naman kasi barangay namin. Saka ko napagtanto na mabait din siya na masarap din kasama. Siguro kaya siya nagustuhan ni Jayson.

"Salamat sa pagsabay." Sabi ko ng huminto ako sa harap ng gate namin.

At kumaway sa kanya. Pumasok ako at nakita ko si Jayson nakatingin sa akin.

Tahimik lang siya nakatingin sa akin.

"Baka maunahan mo pa ako niyan ha?." Palabiro niyang sabi sa akin.

Pare Mahal mo daw ako?Where stories live. Discover now