1

9.7K 116 7
                                    

Lahat ng tao na magugustuhan ko bakit sa kapwa ko lalaki , ang masaklap sa Bestfriend ko pa. Hindi ko magawang animin dahil takot akong masira lahat ng pinagsamahan namin. Kasalanan ko ba na mainlove ako sa kanya? Kung natuturuan lang naman ang puso , bakit hahayaan ko pa sa kanya ito mahulog. Hindi ko ginusto na magkagusto ako sa kanya dahil natatakot ako, natatakot na baka dumating ang oras na malalaman din niya ang nararamdaman ko.

"Cris basketball tayo." Aya niya sa akin. Sanay naman ako magbasketball pero mas ginaganahan ako kapag siya ang kalaro. Siya si Jayson, sapat lang ang laki ng katawan , may maninipis na labi , makapal na buhok na bagay sa hitsura, hindi ko masasabing perpekto pero guwapo

Siya lihim kong hinahangaan , pero sekreto lang ang lahat ayoko masira ang pagkatao sa mata niya. Dahil alam nila na tunay na lalaki ako.

Nandito kami sa court kaming dalawa ang naglalaro kaya medyo boring. Tumigil kami sa paglalaro dahil basang basa kami ng pawis. Nakita kong hawak niya ang cellphone at alam kong tinititigan nanaman niya ang picture ni Celina. Na matagal na niyang gusto.

Masakit sa akin na may iba siyang gusto pero ano ba ako?, babae si Celina imposible na magkagusto sa akin si Jayson. Sa panaginip nalang mangyayari yun.

"Uy! Matunaw si Celina sa Cellphone mo." Sabi ko at napangiti lang siya. At halata sa kanya ang pamumula ng mukha.

Maganda si Celina maputi, simple lang hindi yung maarte sa katawan kaya siguro nagkagusto si Jayson sa kanya.

Tumayo kami at napagdesisyonan na umuwi. Naghiwalay kami ng tinutungo. Bago ako pumasok sa bahay namin ay pinuntahan ko ang maliit na tindahan para pagbilan ang bumibili.

"O, ikaw pala Celina." Sabi ko at ngumiti ako ng peke sa kanya.

"Ah, Cris pagbilan ng softdrink." Sabi niya na tila nag-aalangan na tawagin ang pangalan ko.

Kumuha ako ng softdrink at binigay sa kanya at nagbayad siya sa akin na nanginginig ang kamay. May sakit ba siya bakit ganon siyang kumilos?. Ano paki ko sa kanya?.

"Salamat C-cris."

Nang makatalikod siya ay palihim ko siyang inirapan. May inis akong nararamdaman sa kanya sa totoo lang hindi ko man siya matawag na mang-aagaw pero naiinggit ako sa kanya.

Hindi dahil sa maganda siya, naiinggit ako dahil siya ang gusto ni Jayson.

To be Continued...

A/N:

Short story lang po ito... Sana ay magustuhan niyo. At subaybayan tulad ng ginawa niyo sa iba ko pang story.

Pare Mahal mo daw ako?Where stories live. Discover now