Chapter 1

1.8K 49 6
                                    

CALI

It’s already 6 am and it’s fucking annoying na marinig ko na tumatawag sa group chat namin si Jewel.


Ilang beses ko nirereject yung tawag pero tawag parin ng tawag nakakainis talaga.


“Ano bang problema niyo? Ang aga aga!” I can’t control my temper, hindi ako makatingin sa camera dahil kakagising ko lang.


[Hoy! Start ng foundation week ngayon hindi ka papasok?] Sabi ni Jewel nakauniform na pala silang dalawa nakikita ko ngayon sa Video Call.


[Hoy Cali! Bumangon ka na diyan! Susunduin ka namin.] Singit naman ni Ethel na nakikita kong kumakain ng tinapay habang nakauniform.


“Diba sabi ko sainyo hindi ako papasok?” Naiirita kong sabi sakanila.


[Anong hindi? Hoy! may attendance na yung foundation day sabi ni Ma’am] Bigla akong bumangon sa sinabi ni Jewel.


“Weh, baka niloloko niyo lang ako ha?” Bigla tuloy akong napakamot sa ulo ko at hindi ko na iniiwas yung sarili ko sa camera.


[Oo nga! Puputulin ko daliri ni Ethel para maniwala ka.] Natatawang sabi ni Jewel. [Parang gago amputa.] singit naman ni Ethel.


Hindi parin talaga ako naniniwala sakanila. Nakita kong may nag notif saakin at may sinend si Ethel sa gc namin.


To: Mamsy Givera

Goodmorning Mamsy! Di’ba po may attendance na po yung foundation day? Ayaw kasi maniwala ni Cali.

From: Mamsy Givera

Oo ‘nak sabihin mo sakanya may minus kapag absent.


[Haha! Gusto pa kasi ng pruweba eh, akala namin sinabi sayo ng mama mo.] Sabi ni Ethel habang tumatawa.


Badtrip taena pinatay ko na yung call at dumiretso na ako sa cr para maligo. Nagsuot narin ako ng uniform at dumiretso na sa baba para magtoast ng isang tinapay.


Nagchat ako sa group chat namin.


Me: Hoy mga puta, saan na kayo?

Jewel: Otw na kasama ko na si Ethel.


Inantay ko na sila sa may sala ng may marinig akong busina at lumabas na agad ako ng bahay.


“Hi Ma’am.” Sabi ni Jewel saakin at pinagbuksan pa ako ng kotse parang gago.


“VIP AMP” Sabi ni Ethel saakin pagkapasok ng kotse at nagsimula na siya magdrive.


“Thankyou.” At nagpalakpakan na lahat ng estudyante dito ng matapos mag speech yung school directress namin.


Nagsimula na kami mag ikot ikot sa buong campus, hindi ko talaga feel yung mga ganito mas gusto ko talagang nasa bahay lang dahil di naman talaga ako umaattend ng kung ano anong event dito sa school.


Ang daming booth ngayon at hindi kami makapamili nila Jewel kung anong uunahin namin.


“Wow, first time!” Sabi nung mga kaklase ko na nakasalubong namin tumatawa sila Jewel at Ethel habang kausap.


“May attendance na kasi natatakot mabawasan ng puntos.” I rolled my eyeball nang marinig kong sabi ni Jewel.


Nagpaalam na yung mga kaklase ko dahil magiikot narin daw sila.


Should I Say I Love You Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon