PROLOGUE

3.1K 82 10
                                    

Disclaimer: This story is fictional. All the characters, places, events, businesses and incidents in this story are all imagination of the writer.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Ps: Sorry for the wrong grammars, bad words etc. I'm not good in english po kasi. Hope you stay until the end.

Love u all.

--

"Welcome on Board Ma'am" bati saakin nung flight attendant at hinatid nya ako sa upuan ko.

Nakaupo ako dito tabi ng bintana, pauwi na ako ng Manila dahil in-assign nila ako sa Branch Hospital dito sa Cebu.

I noticed someone next sitting to me kaya inayos ko narin yung pagupo ko. I put a pillow around my neck in case lang na makatulog ako sa flight.

"Good Morning! Ladies and Gentlemen. This is Chloe Albañez and i'm your Chief Flight Attendant for today. Welcome onboard this flight to Manila. Your cabin crew are here to ensure you have an enjoyable flight to Manila this morning.

Our flight time will be of 1 hour and 30 minutes. At this time, make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position and that your seat belt is correctly fastened. Also, your portable electronic devices must be set to airplane mode until an announcement is made upon arrival. Thank you."

I already set my phone into airplane mode para wala nang problema naglagay narin ako ng earphones para makinig ng music para chill chill nalang dahil paguwi ko nang Manila diretso trabaho agad.

Parang pinagsisihan ko tuloy na nag Doctor ako, halos lagi nalang akong busy lalo kapag hindi inaasan na may Emergency patient kahit Day off mo mapapapasok ka talaga sa trabaho.

Nakatulog pala ako sa byahe ng mahigit isang oras at sakto napansin ako ng flight attendant kaya lumapit saakin.

"Coffee ma'am?" Alok nung flight attendant saakin.

"Nope, Water lang." mabilis na sabi ko kaya inabot nya saakin yung tubig "Thankyou." Nakangiti kong sabi at umalis na yung flight attendant.

I stared at the window to see the clouds, para akong tanga na ngumingiti saktong naka-earphone pa ako kaya feeling ko nasa music video ako.

Nagulat ako ng biglang may kumalampag kaya napansin ko yung mga tao na parang nagpapanic at yung Flight Attendant ay naging alerto.

Napansin kong may umuusok sa wing ng eroplano.

HALA POTANGENA MAMATAY NA ATA AKO.

Naririnig kong nagcocommand yung flight attendant pero hindi ko maintindihan dahil nagpapanic na ako.

Ang naintindihan ko lang ay may mangyayaring emergency landing.

May mga kaunting nalaglag na luggage at naririnig ko rin ang ibang tili ng mga pasahero.

"HEADS DOWN! STAY DOWN! HEADS DOWN! STAY DOWN!" paulit-ulit kong naririnig yon sa flight attendant yun ginagawa ang lahat para pakalmahin kaming mga pasahero dito.

Naramdaman ko na parang lalanding na kami kaya napahawak ako sa gilid ng upuan ko at di maiwasan ang tingin sa bintana.

Sa sobrang takot at pagpapanic ko medyo nilakasan ko yung music ko para hindi ako magpanic.

Pinikit ko nalang ang mata ko at nagdasal.

"LORD HUWAG NYO NA PO MUNA AKONG KUNIN KAWAWA PO PAMILYA KO, HINDI KO PA PO NARARANASAN MAGKAJOWA TSAKA NYO NALANG PO AKO KUNIN KAPAG NARANASAN KO NA PO SAKA PAG NAKAMIT KO NA MGA PANGARAP KO PO SA BUHAY WHAAAH." ayun lang ang mga paulit ulut na lumalabas sa bibig ko.

Should I Say I Love You Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon